52

427 14 9
                                        

PAGBALIK sa mansiyon, sumalubong agad kay Ernesto si Mayordoma Melba. Inabot niya rito ang kaniyang basang sombrero at kapote.

"Salamat sa Diyos at nakauwi kayo nang ligtas, señor."

Hindi siya nakasagot agad dito dahil biglang dumagundong ang isang malakas na kulog. Napatingin si Mayordoma Melba sa kisame dala ng gulat at napaantanda ng krus. Ernesto remained nonchalant as he rubbed the soles of his boots against the floor mat.

Nang tumigil na ang kulog ay saka lang siya nagsalita. "Handa na ba ang hapunan?"

Bumalik ang tingin ni Mayordoma Melba sa kaniya. "Opo, señor-"

"Sige. Pakitawag na si Genaro at sabihing hintayin na lang ako sa dining room."

"Opo. At señor-"

Hindi na naituloy ni Mayordoma Melba ang sasabihin dahil dumere-deretso na siya ng akyat sa grand stairs. Bawat madaanan niya ay nag-iiwan ng patak ng tubig-ulan. Nagmamadali na siya dahil babad na babad na siya sa kaniyang basang damit. Hindi niya kasi inakala na magiging malakas ang ulan at mahangin sa kalbong kabundukan kaya kahit nakakapote siya ay nililipad ito minsan ng hangin at napapasukan ng tubig-ulan. Kanina pa niya gustong-gustong magbihis.

Ernesto changed into a pair of gray drawstring jogger pants and fitting white shirt. Nag-isang pasada rin siya ng warm shower bath para maginhawaan bago tinungo ang dining room.

Pagkatapak na pagkatapak pa lang niya sa dining room, nagulat siya nang makitang nakaupo sa hapag si Joan. Puting bath robe lang ang suot ng dalaga kung saan bahagyang sumisilip ang tuktok ng cleavage nito.

"What are you doing here?" he angrily blurted.

Napalunok ang babae. Hindi niya masabi kung dahil ba iyon sa gulat o takot dahil namimilog din ang mapungay na mga mata nito.

Nakatayo sa bandang likuran ng upuan ni Joan ang katulong na si Tessa. Kinakabahan itong lumapit at nagpaliwanag sa kaniya.

"S-Señor, hindi po ba nasabi sa inyo ni Mayordoma? Hindi pa nakararating dito ang driver ni Ma'am Joan kaya . . . kaya narito pa siya." Nahihiyang nagbaba pa ito ng tingin. Pinaglalaruan din ni Tessa ang sariling mga daliri habang nanginginig ang boses sa pagpapaliwanag. "'Tapos, nabasa ko siya ng isang plangganang tubig kaya . . . kaya pinagsuot ko muna siya ng bath robe po."

Inilipat niya ang matalim na tingin kay Joan. "Bakit hindi pa nakararating dito ang driver mo?"

"Medyo matanda na kasi 'yong . . . 'yong sasakyan ko. Old model lang ang afford ko, e. Kaya no'ng pabalik na 'yon dito, hindi kinaya ang matarik na daan papunta rito. 'Yon. Tumirik."

"Saan tumirik? Your driver might need some help. Baka walang tubig o pagkain 'yon sa kung saan man siya na-stranded."

"Don't worry. Naitulak niya naman daw pababa ng bundok 'yong kotse. As of now, nasa tapat siya ng isang tindahan."

"I'll fetch him. We can tow your car with one of our delivery trucks here."

Naningkit na ang mga mata ng dalaga. "You really want to get rid of me so fast."

"Yes. Just like what I did five years ago."

Nanigas ang panga ni Joan habang pinapanood ang pag-okupa niya sa upuan na katapat ng puwesto nito. Mas pinili niyang dito umupo para mabantayan niya nang mabuti ang dalaga, lalo na ang mga kilos nito at maliliit na gesture na maaaring magbigay ng ideya sa kaniya tungkol sa tunay na pakay ng pagbabalik nito sa Hacienda Dela Fuente.

"Tessa," tanaw niya sa katulong na naiwan sa kinatatayuan nito.

Kabadong pumihit ang babae paharap sa kaniyang direksiyon habang magkahawak ang sarili nitong mga kamay. "Yes po, señor?"

PinagsoltadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon