67

507 11 2
                                        

PUPUNGAS-PUNGAS na bumangon si Vidal mula sa sarili nitong kama. Kababalik lang ng binata sa mansiyon ng mga Arguelle mula sa pagliliwaliw nito sa isla ng Altamar para mag-celebrate ng Pasko.

He washed his face and brushed his teeth but did not bother with his hair. He kept his unbuttoned white shirt and striped pajamas on when he left the white bedroom. Dumeretso ng lakad ang binata hanggang sa makababa sa grand stairs. Nagulat ito nang bumungad ang kulungan ng isang puting tandang na maingat na nakalapag sa carpeted na sahig, katabi ng mesita.

Nalukot ang mukha ng lalaki. Malalaki ang mga hakbang na sumugod otp sa dining room dahil tiyak na may makakausap ito na katulong doon. Katulad ng inaasahan nito, saktong may tatlong katulong na sine-set ang hapag at ang mga pagkain dito.

"Bakit may manok sa sala?" iritable niyang bungad sa mga ito.

"Maayo na aga, Sir Vidal," halos sabay-sabay na bati ng mga ito.

He groaned impatiently, so one of the maids explained. "A, sir, dumaan po rito kaninang madaling araw si Ma'am Joan. Pinapaalagaan po niya uli sa atin si Kapitan."

Gulat na napakurap ang namumungay sa antok na mga mata ng lalaki. "Si Kapitan 'yon?"

Nagpalitan ng nagpipigil na ngiti ang mga katulong.

"Opo," sagot ng kausap ni Vidal.

Napakamot ng batok ang lalaki. "Bakit ipinaiwan na naman 'yon ni Joan dito? Akala ko ba . . . " Itinuloy ng binata ang sasabihin sa sariling isip. 'Akala ko ba, hanggang January ang bakasyon niya?'

He fell into a deep thought. Nagtatakang nagtinginan tuloy ang tatlong katulong. Hindi kasi malaman ng mga ito kung itutuloy na ba nila ang ginagawa o hihintayin ang susunod na sasabihin ng kanilang amo.

'Why would Joan leave that rooster here? Saan naman siya pupunta?' 

His thought was interrupted by a memory.

"Vidal, I'm having an affair with Ernesto."

"Shit," he muttered, shocking the maids.

Walang paalam na tumalikod si Vidal mula sa mga ito at nagmamadaling bumalik sa sarili nitong kuwarto. He immediately picked up his cell phone and scanned his contacts list.

"Joan!!!" he gritted lowly before he found the number to call.

* * *

'PUMUNTA lang ako rito para malibang. Iyon lang. Wala nang dapat na mangyari na pisikal sa amin ni Ernesto. Wala,' paulit-ulit na paalala ni Joan sa sarili mula nang matanaw niya na malapit na sila sa islang dadaungan ng bangka.

Nakompirma niya na malapit na talaga sila sa isla dahil inanunsiyo ito ng bangkero sa kaniya.

Nang marating nila ang daungan na gawa sa kahoy, inalalayan siya ng kasamang bangkero at ng isang lalaki na nakaabang sa kaniya sa daungan. Hindi siya pamilyar sa lalaking sumalubong sa kaniya, pero magalang siya nitong tinanguan kaya ipinalagay niya na isa ito sa mga staff ng lugar na kaniyang pupuntahan. Nag-presinta rin ito na bitbitin ang kaniyang bag bago nauna sa paglalakad para ihatid siya sa kaniyang tutuluyan.

Habang naglalakad pa sila sa wooden plaform, hindi nakatiis si Joan na magtanong. "Ito na ba mismo ang resort ni Attorney Pereira?"

"Yes po," nakangiting sulyap ng lalaki bago ibinalik ang tingin sa unahan.

Hindi pa rin mapalagay si Joan dahil hindi naka-uniporme ang lalaki. Paano niya masasabi na staff ito ng isang resort? Ni wala itong ID o name badge.

Tumingin si Joan sa paligid. 'Hindi ba dapat may mga guest ang isang resort?'

PinagsoltadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon