SABAY na nilakad nina Ernesto at Mayordoma Melba ang pasilyo palayo sa guest room. Marami-rami na rin silang napag-usapan habang papunta sa tapat ng pinto ng kuwarto ni Genaro.
"I know you're busy, kaya i-assign mo na lang kay Tessa ang pag-aasikaso kay Joan," ani Ernesto sa mayordoma habang nasa harap ang tingin.
Nanatiling tahimik na nakikinig ang ginang at nasa nilalakaran nito ang tingin.
"Siguraduhin mo na well-informed siya tungkol sa gagawin sa babaeng iyon."
"Opo, señor. Bale, sisiguraduhin muna namin na maayos ang lagay niya at makakakain nang kaunti bago umalis ng mansiyon. Kaya lang, paano kung gabi na magising ang babaeng iyon? Sasabay na lang ba siya sa inyo maghapunan?" Pagkatapos ay pailalim itong sumulyap kay Ernesto na para bang may inaabangan ito na isasagot niya.
He was oblivious with Mayordoma Melba's gestures. Nakatutok na kasi ang kaniyang mga mata sa pinto ng silid ng kaniyang sadya. Ilang hakbang na lang at malapit na sila rito.
"Kung abutin man siya rito ng gabi, wala tayong magagawa kundi ang hayaan siyang pumirmi rito. 'Tapos, kinabukasan ay dapat na siyang umalis. Ipaalala mo kay Tessa na dapat niya rin sabihin 'to kay Joan."
Melba avoided her eyes from him. Sa loob-loob ng babae ay nagtataka ito kung bakit parang umiiwas si Ernesto sa bisita nito. 'Dahil ba ito sa mapait nilang nakaraan? Nakakaintriga.'
Huminto sa tapat ng pinto si Ernesto at pumihit paharap sa katulong.
"Sige na, Mayordoma Melba. Iyon lang ang bilin ko. Maraming salamat."
"Hindi na ho ba namin kayo tatawagin kapag paalis na si . . . si Ma'am Joan? Para magpaalam man lang? Hindi n'yo po ba siya ipahahatid?"
Nagsalubong ang kaniyang mga kilay. "Hindi ko na siya kakausapin pa dahil wala na kaming dapat pag-usapan. At hindi na ako magpapaalam sa kan'ya. Hindi na rin naman kailangang ipahatid ko pa siya. Nakapunta siya rito nang kan'ya kaya siguro naman, kaya niya ring umalis nang kan'ya mamaya o bukas."
Magalang na tumango si Mayordoma Melba. "Nauunawaan ko po, señor."
"Salamat." Iyon lang at kumatok na siya nang tatlong beses sa pinto bago pinasok ang silid ni Genaro.
Naiwang nakatayo sa labas ng silid si Mayordoma Melba at binabalik-balikan sa isip nito ang mga pinag-usapan nila ng amo. Nang makontento ay maingat itong naglakad paalis sa tapat ng pinto na iyon.
Samantala, napatayo si Genaro mula sa silya katapat ng study table nito. Sobrang abala kasi ito sa pag-iisip kaya hindi naulinigan ang pagkatok ni Ernesto sa pinto bago pumasok. Nagulat na lang ito nang malingonan na nasa loob na pala siya ng kuwarto nito.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" salubong ng mga kilay nito sa kanya. "Tapos mo na bang asikasuhin ang bisita mo?"
"Tapos na," dismayadong iling niya at umupo agad sa dulo ng kama ni Genaro.
Tumayo ang kaniyang kapatid sa harapan niya at inihilig ang ulo habang nagtatakang nakatitig sa kaniya. He could feel his eyes studying him curiously. Pagkatapos, itinukod nito sa baywang ang dalawang kamay at nagsalita. "Sino ang bisita na 'yon? Bakit parang nilukot na papel na naman 'yang mukha mo?"
"Do you really think we need to rebrand?"
Lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo nito.
Ernesto could not blame Genaro for acting more suspicious than glad that he was considering his business suggestions. Hindi kasi sanay ang kaniyang kapatid na tinatanggap niya agad ang suhestiyon ng kahit sino. It usually took him weeks before agreeing with someone when it comes to business-related decisions.
BINABASA MO ANG
Pinagsoltada
General FictionErnesto always wins--his father's favor, cock derbies, and his wife's heart. But when Joan arrived, he realizes that he's less likely to win if he's fighting against a love that always hides. © anathecowgirl -------- Baluarte Dela Fuente Book 1 Feat...
