50

500 15 5
                                        


ABALA ang mga katulong sa paglilinis sa sala. May nagpapagpag ng alikabok mula sa mga siksikang picture frame sa isang pader gamit ang mabalahibong duster. May nagpupunas ng mga babasaging figurine, picture frames, at plorera na nakapatong sa ilang estante at drawer. May nagtatanggal ng agiw sa isang sulok ng kisame at may katandaan na ang babaeng nagba-vacuum sa amber brown na carpet.

Lahat sila ay mga kababaihan at pare-parehong nakasuot ng unipormeng short-sleeved, pabestida ang istilo na checkered indigo at gray ang kulay. Required din na 'laging naka-pusod ang kanilang buhok dahil bukod sa maaliwalas sila tingnan sa ganoong ayos at madaling makita ang mga mukha, nakatutulong din iyon para hindi maging sagabal ang buhok sa trabaho. Karamihan din sa kanila ay nasa twenties na ang mga edad kaya maraming enerhiya para sa puspusang pagtatrabaho na kailangan para ma-maintain ang isang mansiyon na kasinlaki ng pagmamay-ari ng mga Dela Fuente.

Ang isa sa kanila ay natunugan agad ang pagbaba mula sa huling baitang ng hagdan ng isa pang katulong-si Tessa. Ito ang katulong na naatasang ihatid si Joan Orosa sa roof deck at ipaalam sa kanilang mga amo ang pagbisita nito.

Nilingon ng katulong nakakita kay Tessa ang mga kasamahan na napatingin agad dito dahil sa gulat na pagsinghap nito. Pagkatapos, itinutok nila ang tingin sa direksiyon palabas sa sala. Natanaw nilang papunta na si Tessa sa dining area kaya iniwan nila ang kanilang ginagawa at kumaripas ng takbo para paikutan ito.

Halos sabay-sabay na nagsalita ang mga ito.

"Kumusta, Tessa?" tanong ng isa sa mga katulong. "Ano'ng nangyari?"

"Nag-kiss ba? Mag-istorya ka naman ng nalalaman mo!" excited na wika naman ng isa sa matinis nitong boses.

"Totoo nga ba ang tsismis noon tungkol sa kanila ni Señor?" pabulong naman na tanong ng babaeng yumakap sa braso ni Tessa.

Natahimik lang ang mga ito nang makalapit na sa kanila ang pinakamatanda sa kanila-si Mayordoma Melba.

Hindi nagkumahog ang mayordoma at mabagal lang itong naglakad kaya nahuli ito sa paglapit sa kanila. Kilala ang babae sa pagiging istrikto pagdating sa trabaho at sobrang seryoso sa pananaw sa buhay, kaya kapatid ng respeto ng mga katulong para dito ang takot.

Tumabi agad ang ilan sa kanila para padaanin ito at malapitan si Tessa. Agad na bumitiw sa braso nito ang nakayakap na si Everleen bago pa nakalapit ang kanilang mayordoma.

Kabado namang pinaghawak ni Tessa ang mga kamay at inilapat ang mga braso padiin sa dibdib nito. Ipinatong nito sa mga kamao ang baba habang takot na nakasilip sa ilalim ng nakatakas na hibla ng buhok nito ang mga mata.

"Narinig mo ba kung ano ang pinag-usapan nila?" tanong ni Mayordoma Melba sa mabigat at seryoso nitong boses.

Halos pigil ang hininga na sumagot sa maliit na boses si Tessa. "D-Dili, mayordoma."

Naningkit ang mga mata ng babae. "Kahit kaunti lang?"

"Mayordoma, pan-o ko naman po malalaman ang pinag-usapan nila? Pagkakita pa lang ni Señor kay Ma'am Joan, pinaalis na niya 'ko agad. Inutusan niya akong ipaghanda sila ng meryenda."

"Ma'am Joan?" Mayordoma Melba echoed in a low, heavy tone. Gumuhit sa mga mata nito ang galit at pagkadismaya. A second later, though, a wicked smirk pulled at the corner of her brown lips. "O, huwag na natin silang paghintayin, Tessa. Tutulungan kitang ipaghain sila ng meryenda at ako na ang maghahatid nito sa kanila para makatulong ka sa paglilinis sa sala. Kaya, hamos na."

Nasu-suspense na nagkatinginan ang mga katulong.

Samantala, nanguna na si Mayordoma Melba sa banayad nitong paglakad patungo sa dining room. Ang dining room kasi ang unang madadaanan bago marating ang kusina.

PinagsoltadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon