IGINALAW ni Polo ang kamay nito kaya saglit lang nasulyapan ni Joan ang larawang nakaprinta sa hawak nitong papel.
Her heart pounded tensely. Kahit ilang segundo lang kais niya nakita ang larawan, alam niyang mukha ni Kobi ang nandoon.
Polo breathed harshly. Tila may sasabihin pa sana ito pero nakita na siya ng lalaki sa sulok ng mga mata nito kaya tuluyang napalingon ito sa kaniya.
Lumambot agad ang ekspresyon sa mukha ni Kyle nang tingnan siya nito.
“Nag-aaway ba kayo?” Ito agad ang namutawi sa mga labi ni Joan. Hindi siya natinag sa kinatatayuan. Gusto niyang makasigurado na masasagot ang tanong niya bago lumapit sa dalawang lalaki.
“Maayo lang kami, Joan,” malumanay na wika ni Kyle. It was followed by his gentle reassuring smile.
“Parang picture ni Kuya ang nasa papel na ’yan,” baling ni Joan kay Polo.
Nagtinginan ang dalawang lalaki bago tiim-bagang na tumango si Polo bilang sagot.
“Bakit?” tanong niya.
Inagaw ni Kyle ang papel kay Polo at inabot iyon sa kaniya. Joan held the paper with two hands and slowly read what was written on it. Nakaprinta sa pinakataas ng papel ang katagang ‘MISSING.’ Nasa sentro nito ang black and white picture ni Kobi at nakasaad sa pinakaibaba ng papel ang mahahalagang detalye ng pagkakakilanlan ni Kobi at ang address at cell phone number ni Nilo.
Napasinghap si Joan. “A! Ito ’yong sinasabi ni Kuya Nilo na poster!”
Pag-angat niya ng tingin, sumalubong sa kaniya ang nalilitong mga mata ni Kyle. “Si Nilo?”
“Oo. Nagkakilala na kayo. Siya ’yong kaibigan ni Kuya na accountant sa Maynila. Siya ’yong tumulong sa ’tin noong nakaraan sa paglilipat ng mga gamit ko rito sa hacienda.”
Kyle slowly nodded, seeming to completely have an instant recollection about Nilo.
“Bakit naman nakikialam ang Nilo na ’yon sa pagpapahanap kay Kobi?” tila nagtitimping wika ni Polo.
Hindi maunawaan ni Joan kung ano ang ikinaiinis nito.
“Dahil kaibigan at kababata siya ni Kuya,” matatag niyang wika. Hindi siya dapat mahawa sa iritasyon ni Polo lalo na at wala naman siyang kaide-ideya kung para saan iyon. “’Tulad ko, nag-aalala lang din siya kung napan-o na si Kuya.”
Nilapitan siya ni Polo. His intimidating height loomed over her, shadowing her like a tower. Mariin itong nagwika. “Hindi mo naiintindihan ang implikasyon nitong mga poster na ito, Joan.”
Napalunok siya pero hindi nagpadaig kahit natatakot siya sa paggusot ng galit sa mukha ni Polo.
“Bakit? Ano ba ang masama rito?” patungkol niya sa hawak na poster. “Hindi n’yo na nga ako tinutulungang hanapin si Kuya, pati ba naman ibang tao, hindi na rin p’wedeng tumulong?”
“Ang sa akin lang, masyado mong pinapalaki ang isyu na ’to, Joan.” Ewan kung bakit napapalakas na ang boses ni Polo. E, hindi pa naman nito nauubos yata ang bote ng alak na kinuha kanina. “P’wede mo namang hanapin ang kapatid mo nang hindi ganito kahalata!”
“Halata? Ano’ng halata?” Nagugulohan talaga siya.
“Ano ang nangyayari rito?” tindig ni Señor Ernesto mula sa kaniyang likuran.
Nanatili kay Polo ang matalim na tingin ni Joan. “Wala po, señor—”
Napasinghap siya nang hablutin ni Polo ang poster at ipakita iyon kay Señor Ernesto.
BINABASA MO ANG
Pinagsoltada
General FictionErnesto always wins--his father's favor, cock derbies, and his wife's heart. But when Joan arrived, he realizes that he's less likely to win if he's fighting against a love that always hides. © anathecowgirl -------- Baluarte Dela Fuente Book 1 Feat...
