JOAN grunted as she stretched her whole body. Maging ang mga braso niya ay nakataas. It was angled slightly to her left so that she would not touch the headboard of the bed. Pagkatapos mag-inat, idinilat niya ang mga mata at natulala siya saglit sa kisame bago tumagilid ng pagkakahiga sa kama.
Sa kaniyang pagtagilid, napaharap siya sa direksiyon kung nasaan ang isa pang single bed sa guest room na kaniyang tinulugan. Ilang hakbang mula sa kama na iyon ay makikita ang bintana.
Dahil nakahawi ang kurtina nito, kitang-kita ni Joan ang madilim na kalangitan sa labas. Mahina ngunit malalaki ang mga patak ng ulan na bumabagsak mula sa mga ulap.
'Buong gabi kaya umulan?' Biglang lumungkot ang kaniyang mga mata. 'Dahi sa nangyari kagabi, siguradong huling adlaw ko na ito rito sa hacienda. . . .'
Nalaglag ang kaniyang panga nang mahuli ang sarili na nakatitig sa isa niyang kamay habang hinahaplos ito ng kabila pa. Ito mismo ang kamay niya na aksidenteng natuonan ang pagitan ng mga hita ni Señor Ernesto kagabi kaya galit na galit ito.
Tila kinilabutan kaya mabilis na ibinaba niya ang kamay at umupo na sa gilid ng kama.
'A, hindi! Gagawa ako ng paraan para hindi ako paalisin dito ni Señor!'
Kinapa ni Joan ang cell phone na nakatago sa bulsa sa bandang tiyan ng hoodie ni Señorito Genaro na kaniyang suot. She checked the time and her inbox. Inisa-isa niya ang mga natanggap na text mula sa kaniyang 'kaibigan.' Binago rin niya ang pangalan nito sa contacts list at ginawang 'Mang Noah,' just in case na maisipan ni Señor Ernesto na silipin kung sino ang tinatawagan niya sa cell phone noong nasa biyahe sila kagabi.
From: Mang Noah
To: Me
Let's see what he'll do tomorrow.
Ang binasa niya ay ang huling reply ng kaniyang kaibigan sa palitan nila ng text kagabi. Ang huli niya kasing sinabi rito ay ang posibilidad na paalisin siya agad ni Señor Ernesto lalo na at iritang-irita na ito sa kaniya. Hindi na lang ikinuwento ni Joan sa kaniyang kaibigan ang tungkol sa aksidente niyang nagawa sa kotse ng señor. Basta, sinabi na lang niya na naiinis si Señor Ernesto dahil ayaw talaga nitong magpalipas siya ng gabi sa mansiyon.
She took in a deep breath and read his messages that followed:
From: Mang Noah
To: Me
Joan?
From: Mang Noah
To: Me
Joanaleen?
From: Mang Noah
To: Me
Good night, Joan. :)
Malungkot siyang napangiti. Nahihiya siyang aminin sa kaibigan niya na nakatulugan na niya ito dahil bukod sa sobrang pagod ay napakalamig pa sa kuwarto kaya ang sarap-sarap matulog. That was why she did not reply to the text message or called him.
Joan decided to get freshened up. Malamig ang panahon kaya inilugay niya ang kaniyang mahaba at kulot na buhok. She did not take a shower yet, dahil wala pa siyang pamalit na damit.
Pagkalabas na pagkalabas ni Joan mula sa kuwarto, biglang nag-ring ang cell phone sa bulsa ng hoodie. Nagmamadaling sinagot niya ito, lalo na nang makitang si 'Mang Noah' ang tumatawag.
"Good morning," bungad agad ng boses ng lalaki pagkatapat na pagkatapat niya ng cell phone sa kaniyang tainga.
She smiled weakly. Medyo groggy pa kasi siya kaya hindi pa masigla maging ang kaniyang boses. "Good morning."
BINABASA MO ANG
Pinagsoltada
Genel KurguErnesto always wins--his father's favor, cock derbies, and his wife's heart. But when Joan arrived, he realizes that he's less likely to win if he's fighting against a love that always hides. © anathecowgirl -------- Baluarte Dela Fuente Book 1 Feat...
