MABILIS na lumipas ang mga araw. Hindi na ito halos napansin ni Ernesto dahil naging abala sila sa trabaho sa hacienda. Before he knew it, it was already the first week of November.
It was already November 5, and tomorrow- November 6-was the date agreed upon between DF Farms and Carnacion Foods for the farm visit of the latter to the first. Ernesto was more nervous than excited at the very thought of that, so to make sure that everything would be in order, he woke up early. Para sa araw na ito, pinaubaya muna niya kay Dario ang pagpapatrolya sa border ng hacienda sa kabundukan ng Cuerpo Serpiente dahil priority niyang inspeksyonin ang mga manukan.
Deretso ang tingin ni Ernesto pero sa gilid ng kaniyang mga mata ang bawat nadadaanan nila ni Amberwing. Kaaya-aya na tingnan ang mga ito kahit na medyo madilim pa ang paligid dahil alas-kuwatro pa lang ng madaling-araw. Tinanggal ng ilang mga trabahador ang ilang patay na halaman at inayos ang pagkaka-trim sa ilang mga puno na madadaanan ng mga representative ng Carnacion Foods bago marating ang kanilang poultry house. Sa aspetong ito ay kampante siya na iisipin ng mga ito na naaalagaan nang mabuti ang hacienda sa kabila ng bali-balita na palugi na ito.
At narating na ni Ernesto sa wakas ang dahilan ng kaba niya-ang mismong poultry house.
Habang itinatali ang kabayo sa nakatalagang talian nito, natanaw niya na bukas ang dilaw na bombilya sa loob ng poultry house. Natapos man nila ang renovation nito, alam ni Ernesto sa sarili na hindi mukhang makabago ang facility dahil puro gawa sa kahoy ang bahay ng mga manok.
They made three wooden partitions for the chickens. Each partition could house one to two hundred chickens each. Sinadyang lakihan ang mga ito para hindi nagsisiksikan ang mga manok. Gawa sa kawayan ang lagayan ng kanilang mga inumin at patuka. Puwede naman silang bumili ng bagong automatic feeder o 'di kaya'y hayaan na lang ang lumang automatic feeder na matagal na nilang ginagamit dito. Kaya lang, ayon kay Joan ay mukhang luma na ang mga ito at mabuti na rin na hindi muna gamitan ng automatic feeder ang kainan ng mga manok para makuha raw nila ang 'simpatya' ng kanilang bisita. He thought that was lame, but he let it slide. Ang magkabilaang-pader ng poultry house ay gawa sa puting plastic mesh screen na puwedeng takpan ng asul na de-rolyong nylon na may silicone coat. May itinalaga na makipot na lakaran paikot sa kulungan ng mga manok para sa mga tao.
Nagulat siya pagpasok sa kulungan ng mga manok dahil natanaw niya na nasa loob ng isa sa mga partisyon-sa pinakadulo-si Joan. She wore a pair of capri jeans and a tight white T-shirt marked with sweat. Nakapusod ang kulot nitong buhok kaya kitang-kita sa palibot ng mukha nito, sa batok, at sa leeg ang pagtagaktak ng pawis.
He narrowed his eyes as he hurried to where she was. Sa pagkakataong ito niya mas malinaw na nakita na walang pagala-galang manok sa puwesto nito dahil maayos na ikinulong ang mga ito sa bakal na mga hand-carry cages na pinagpatong-patong sa isang sulok ng chicken coop.
Nakayuko si Joan at naglilinis gamit ang walis-tingting. Wala na namang kalat o ipot sa kulungan. It was as if, Joan was only sweeping the floor to even out and flatten the loose chicken coop litter on the ground. Napansin niya na malinis at walang laman ang mga kainan at tubigan para sa mga manok.
"Bakit ikaw ang naglilinis diyan?"
Gulat na napapiksi ito at tumuwid ng pagkakatayo. Humihingal itong sumagot sa kaniya. "S-Señor! Ang aga n'yo yatang pumunta rito?"
"Ako dapat ang nagtatanong niyan. Hindi mo trabaho 'yan. Lumabas ka riyan!" anas niya rito.
Humigpit ang pagkakakapit ni Joan sa walis-tingting at mas inangat ito. Halos katapat na ng dibdib nito ang hawakan nito.
"Señor, hayaan n'yong tapusin ko ang paglilinis dito. 'Tapos na namin 'yong sa dalawang partition. Ito na lang ang natitira na kailangang ayusin para sa mga bisita mamaya."
BINABASA MO ANG
Pinagsoltada
Ficción GeneralErnesto always wins--his father's favor, cock derbies, and his wife's heart. But when Joan arrived, he realizes that he's less likely to win if he's fighting against a love that always hides. © anathecowgirl -------- Baluarte Dela Fuente Book 1 Feat...
