PAGKATAPOS mag-almusal ng pamilya nang sabay-sabay, inimbita ni Ernesto ang mga magulang at si Allyssa na mag-usap sa office room tungkol sa irerekomenda niyang papalit sa iiwanang trabaho ni Mona kapag naging mayordoma na ito.
His recommendation shocked them, pero si Don Timoteo lang ang may lakas ng loob at walang patumpik-tumpik na nagsaboses ng pagtanggi nito. He didn't want any involvement with Joan again after the inconvenience her search for her brother had caused their family. Doña Grazie, on the other hand, said that it was all up to Allyssa to decide. Tutal, personal maid nito ang pinag-uusapan. Meanwhile, Allyssa managed to control her emotions. Tipid itong sumagot na pag-iisipan muna ang rekomendasyon ni Ernesto sabay yaya na bumalik na sila sa kuwarto dahil gusto na nitong ma-check si Alwyn.
Magalang silang nagpaalam sa dalawang matanda na aalis. Nagpahabol pa si Ernesto sa mga ito na ia-update na lang ang mga ito ukol sa desisyon ni Allyssa. Pero kalalabas pa lang nilang mag-asawa mula sa office room at hindi pa sila nakalalayo sa pinid nitong pinto ay nagsalita na si Allyssa.
"Are you serious?" pigil nito ang pagtaasan siya ng boses pero may bahid ng iritasyon ang tono ng pananalita nito. "I thought you're going to fire her!"
"Ano ba ang sinabi ko no'ng isang gabi? I'll only fire one of them when they quarrel again," nagpapasensiya niyang sagot dito habang deretso sa harap ang tingin.
Tinahak na nila ang pasilyo patungo sa kanilang kuwarto.
Napailing ang kaniyang asawa. "Talaga bang iniinis mo ako, Ernesto? You know that I don't like that woman! Bakit kailangang siya pa ang i-suggest mo kina Mama at Papa na ipalit kay Mona? Ang dami-dami pang tagarito sa hacienda na p'wede mong i-hire!"
His jaws clenched. Pinili niyang huwag na lang itong sagutin. And it was a bad move, because his silence only provoked Allyssa more.
"You want her to work here, huh? Dahil ano? Para mas malapit siya sa 'yo? Para mas madalas kayong magkita? Magkausap?"
Nauubusan ng pasensiya na hinarap niya ito. Kapwa sila huminto sa paglalakad.
"Damn, you're relentless, Allyssa! Simula nang pagselosan mo 'yang si Joan, hindi mo na ako nilubayan sa mga pagsususpetsa at pagdududa mo. Not a week passes by without you questioning me and asking what's going on with me and that woman," he hissed through gritted teeth. "At napuno na ako sa mga paghihinala mo noong Christmas party ng mga trabahador! Hindi na nga ako pumunta roon, dahil inaaway mo na naman ako, 'di ba? Pero ano? Inaway mo pa rin ako dahil sa Joan na 'yan! So I went there—without knowing that Kyle's sister is already making a scene there—to ask Joan to be your maid." He paused and saw the horrified expression on Allyssa's face. "That's right! I thought, Joan should be your personal maid! Para 24/7 bantay-sarado mo siya! At huwag kang pipikit, ha? Bantayan mo siya nang mabuti para makita mong walang malisyosong nangyayari sa aming dalawa!"
He stomped away from Allyssa and took a different direction. This time, he wanted to head to the roof deck to breathe in some fresh air.
Allyssa was left stunned in the hallway before she lowered her head, closed her eyes, and took in a deep shuddering breath. 'How could Ernesto use my actions as reasons for him to bring that woman closer to us? To him? To make it a good excuse for him to hire her as my personal maid?'
Ikinuyom ni Allyssa ang mga kamao para patatagin ang sarili bago nagpatuloy sa pagpunta sa kuwarto kung nasaan ang anak na si Alwyn. Kasalukuyang inaalagaan ni Mona ang bata habang nasa office room sila ni Ernesto.
"Ma'am Allysa," mabilis na bati ni Mona kasabay ng gulat nitong pagtayo mula sa gilid ng kama. Mabilis din nitong isinuksok sa bulsa sa bandang ibaba ng dark blue blouse na uniporme nito ang gamit na de-keypad na cell phone.
BINABASA MO ANG
Pinagsoltada
General FictionErnesto always wins--his father's favor, cock derbies, and his wife's heart. But when Joan arrived, he realizes that he's less likely to win if he's fighting against a love that always hides. © anathecowgirl -------- Baluarte Dela Fuente Book 1 Feat...
