“K-KYLE?” Joan spoke breathily, close to a shudder. She looked so soft and weak on the outside, but deep inside, an explosion of emotions already took place and blasted her heart, resulting to a strong glass-like shattering.
How she wished, she was not seeing things right. How she wished, the man on her line of sight wasn’t wearing that same sky-blue shirt and white long-sleeved jacket. How she wished, he didn’t have those dark round eyes she loved staring into and those thin lips she kissed for so many times.
How she wished, it wasn’t Kyle.
But his eyes slightly widened upon recognizing her face.
“Joan . . .” mahinang usal nito at napako na ito sa pagkakatagilid ng pagkakatayo mula sa kaniyang view. Hindi nito naituloy ang balak na pumihit nang tuluyan paharap sa kaniya.
“Bakit ka narito”" pigil niya ang paghinga. Nilabanan niya ang umuudyok sa kaniya na pagtaasan ito ng boses. Hindi pa naman kasi malinaw ang lahat para kay Joan. Hindi siya puwedeng magpadalos-dalos o basta-basta akusahan si Kyle.
“A-Akala ko . . .” She winced, already disappointed with herself. She tried to sound firm, but she heard herself stammer. Pero hindi puwedeng tumigil siya roon. Nagpatuloy si Joan sa pagsasalita. Mas tinatagan niya ang kaniyang boses. “Akala ko, inutusan ka ni Señor na pumunta sa police station.”
Tuluyan na siyang hinarap ni Kyle.
“Naisipan ko lang na pumunta muna rito,” mahinahon nitong saad habang nakatitig sa kaniya na tila tinitimbang siya.
“Bakit mo naisipang pumunta rito? At nasaan sina Polo? Wala akong nakitang sasakyan sa labas. . . .”
Joan was already helping him out. Ipinapaalala na niya kay Kyle ang mga dapat nitong gawin at kung sino ang dapat nitong kasama.
Umaasa siyang makaiisip ito ng magandang dahilan kung bakit ito narito sa dati nilang bahay ng kaniyang kuya.
Umaasa siyang walang kinalaman sa pagkawala ng kaniyang kapatid ang pagsadya ni Kyle rito.
Umaasa siyang mali ang kaniyang hinala.
“Joan . . .” Kyle walked towards her. “Gusto ko lang makasigurado na walang nagalaw na anumang gamit dito.”
“Bakit? Bakit kailangan mo pa ’yan gawin? Naka-transaksiyon na nina Kuya Nilo ang Pulis Masbate. Baka . . . Baka mapagbintangan ka nila kapag nakita ka nila rito. Ang mga fingerprint mo, baka makita nila.”
Joan didn’t even know what she was babbling about. Nagsusumigaw man ang pagdududa sa puso niya na ikinabibingi na ng kaniyang utak ay wala naman siyang alam tungkol sa proseso ng mga imbestigasyon at sa implikasyon na maaaring idulot ng pagbibigay niya ng babala kay Kyle na mag-ingat.
‘Sana naman, may sabihin si Kyle na ikapapanatag ng loob ko. Sana . . .’
Kyle held her upper arms and looked intently into her eyes. “Isa ito sa mga iniutos sa akin ni Señor.”
‘Inutusan din ni Señor Ernesto si Kyle na pumunta rito? Bakit?’
Nagugulohang napaiwas ng tingin si Joan sa mga mata ng kaniyang boyfriend.
“Ikaw? Bakit ka napunta rito?” malumanay nitong tanong sa kaniya. Unti-unti nang bumaba ang isang kamay ni Kyle. “Sino ang naghatid sa ’yo rito?” He pulled her close to him by pressing his hand against the small of her waist. ”Bumiyahe ka ba nang mag-isa? Kung may gusto kang ipakuha, sana tinext mo na lang ako o tinawagan. Wala ka na bang load?”
Kyle gently caressed the side of her face, trying to catch her eyes. Samantala, hindi siya makatitig sa mga mata nito dahil abala na ang kaniyang isip sa pagtatagni-tagni sa lahat-lahat.
BINABASA MO ANG
Pinagsoltada
General FictionErnesto always wins--his father's favor, cock derbies, and his wife's heart. But when Joan arrived, he realizes that he's less likely to win if he's fighting against a love that always hides. © anathecowgirl -------- Baluarte Dela Fuente Book 1 Feat...
