84, Part III

332 9 0
                                        

A FEW minutes later and everyone were seated on their tables. Mga waiter na lang ang makikitang paikot-ikot para magsilbi ng mga pagkain na para sa mga bisita.

Sa mesa nina Joan at Vidal, tanaw na tanaw ang karagatan. Doon lang itinututok ni Joan ang tingin habang kumakain. Ayaw niyang salubungin ang mga pasulyap-sulyap ni Vidal dahil naiirita pa rin siya sa inasal ng lalaki kanina.

Ngunit kalaunan ay hindi niya rin napigilan ang sarili na magsalita. "Hindi mo ako hinalikan sa mga labi."

Vidal just looked at her while still holding a fork that rested on top of his plate.

"Ibig sabihin, gusto mo pa rin ako maging kaibigan." Tiningnan na niya ito sa mga mata. "Pero paano tayo magiging magkaibigan, kung ginaganito mo ako? Bakit hirap na hirap kang sabihin sa akin kung ano ang tumatakbo sa isip mo, o kung ano ba ang problema mo kaya pinaggagagawa mo ang mga ito?"

"I need you to help me without any questions, Joan. Bakit hindi mo 'yon magawa para sa taong nagpaaral sa 'yo sa Maynila?" mahina nitong wika ngunit malinaw na malinaw sa kaniyang pandinig.

"May utang na loob ako sa 'yo pero hindi ibig sabihin n'on ay susundin ko na ang lahat ng ipagagawa mo nang hindi ko naititimbang muna kung tama ba 'yon o mali."

"Kaibigan ang tawag mo sa akin, pero wala kang tiwala sa akin," salubong ng mga kilay nito.

Napailing na lang siya. "Ako dapat ang nagsasabi niyan sa 'yo, Vidal."

"You see, I only need your cooperation. I can't tell you the whole detail because that will completely involve you with my problem. Kung hanggang dito lang ang magiging papel mo, sa pagiging girlfriend ko kunwari, hindi ka na mapapahamak pa kapag nagkaalaman na."

Lalo siyang kinabahan. "Naiisip mo ba na kapag pumalpak anuman itong pinaggagawa mo ay p'wedeng ako ang balikan ng mga taong maaagrabyado mo?"

"Not unless, Ernesto stops being such a prude, admit he's in love with you, and work for me. In that way, p'wede na kayong magsama ni Ernesto."

"Kung magiging representative mo si Ernesto sa sabungan, mai-involve siya. E, 'di madadamay pa rin ako."

"No one will have a clue that he's a part of my plan—"

Halos pigil ni Joan ang paghinga. Napapakuwento na si Vidal tungkol sa mga plano nito pero biglang natigilan ang lalaki.

"Just finish your food, Joan."

"Hindi. Sasabihin mo na sa akin, e. Ano'ng plano 'yan, Vidal? Ano ang kinalaman ng pagsasabong? Bakit kailangang—"

"Lower your voice," mariin nitong saad. Gumuhit ang kakaibang galit sa mga mata nito kaya nanahimik na lang si Joan.

She picked up her fork and dipped her steak in its own sauce before putting it in her mouth. Pero dahil sa tensiyon na hatid ng pag-uusap nila ni Vidal, bahagyang nanginig ang kamay niya. Bago pa niya naisubo ang isang hiwa ng steak ay napatakan ng sauce ang bandang dibdib ng suot niyang gown. The rest of the sauce fell on the table napkin draped over her lap.

Ibinalik ni Joan ang tinidor sa pinggan. "Paaghi tabi." Excuse me.

"Punasan mo na lang 'yan ng napkin."

"But this is a velvet dress, Vidal," she sighed. Napaghahalata kasing walang alam sa mga tela ng damit ang lalaki. "Hindi p'wedeng basta ko na lang 'to kuskusin o basain. I need to blot this carefully in my suite. Magpapalit na rin ako ng damit."

Napailing ito. "Kung bakit ba naman kasi 'yan ang sinuot mo. Ang hirap naman palang linisin niyan."

She frowned at him. "Bye."

PinagsoltadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon