PUNO NG KATAHIMIKAN ang hapag-kainan. Panakaw na nagpalitan ng tingin ang ilan sa mga katulong na nakatayo sa isang sulok ng dining room. Mahahalata sa mga ito ang kaba at pagkaintriga dahil sa presensiya ng bagong-dating nitong mga amo kasama ang nagbabalik na si Joan Orosa.
Pagdating nina Don Timoteo ay nag-aabang na ang mga katulong sa magiging kaganapan sa oras na makita ng mga ito si Joan.
Magkakaroon ba ng mainit na pagtatalo?
May mapapalayas ba?
Matutuwa ba ang don at doña kapag nalaman ang naitulong ng dalaga sa hacienda?
Magbabago ba ang tingin nila rito at kalilimutan ang paniniwalang ito ang may dala ng kamalasan noon sa kanilang lupain?
"Tessa," basag ng mabigat ngunit malumanay na boses ni Ernesto sa katahimikan. Halos lahat ng mga mata ay napadpad dito, maliban kay Joan na nakayuko at nakatutok ang tingin sa pinggan.
Muntik nang mapatid ang katulong nang lumapit sa honcho. "Yes po, señor?"
Nag-angat ito ng tingin sa dalaga at inangat ang pinggan. "Hindi maayos ang pagkaka-ihaw sa isda na ito."
Kinabahan si Joan para sa katulong. Napaangat siya ng tingin para tingnan ang ekspresyon sa mukha nito at ng señor. Ernesto was far from usual. He seemed more forgiving and patient. Walang mababakas na pagkairita sa boses nito at gayundin sa facial expression nito. Ang katulong naman ay kitang-kita ang takot sa mukha. Bahagya pa itong namutla at kita sa magkahawak nitong mga kamay ang tulirong paglalaro ng mga daliri nito.
Namilog ang mga mata ni Tessa nang bahagya itong yumuko para matitigan nang mabuti ang isda. Hinati ito sa gitna at binuklat kaya lumantad ang karne nito sa loob na puti ngunit mamula-mula. Napalunok ito bago tinanggap ang inaabot ni Ernesto na pinggan.
"Pasensiya na po, señor. Pakihintay na lang din ang pinggan ninyo," anito bago nagmamadaling dumeretso sa kusina.
It was Don Timoteo's turn to speak, just to remind everyone of his presence. Tinanaw nito ang nalalabing tatlo pang katulong na nakatayo nang magkakahanay sa gilid ng silid, sa bandang likuran ng hanay ng upuan nina Ernesto.
"Lahat kayo, doon muna kayo sa kusina. Walang babalik dito hangga't hindi tinatawag. Pakisabihan n'yo na rin si Tessa."
That was the only time that Ernesto frowned. Siguro dahil kung hindi makababalik si Tessa nang dala ang panibagong pinggan na gagamitin nito, ibig sabihin ay hindi nito maipagpapatuloy ang pagkain ng hapunan.
Nang maiwan na lang si Joan sa dining room na pamilya lang ni Ernesto at ang mismong honcho ang kasama ay dito na siya naalerto.
'May iaanunsiyo kaya ang patriyarka ng mga Dela Fuente na ayaw iparinig sa mga katulong?'
The moment Joan lowered her eyes to resume her meal, Don Timoteo spoke.
"Joan Orosa."
Nanigas siya sa kaniyang kinauupuan. Nagdalawang-isip siya kung mag-aangat ng tingin para salubungin ang matalim na mga mata ng ginoo o hindi. Dahil hindi umimik uli ang matanda, nag-ipon siya ng lakas ng loob bago ito tiningnan.
"Ang sabi ni Ernesto, naisipan mong bumalik dito sa hacienda para tumulong."
She displayed a confident smile that contradicted the cautiousness of her heart. "Opo, Don Timoteo."
"Very noble of you," hilig nito ng ulo habang binibigyan siya ng nakalolokong ngisi.
Ernesto's jaw hardened, then his eyes gazed at her. His eyes tried to speak to her, but she could not read them because she was distracted by Don Timoteo and by the way he condescendingly stared at her while waiting for her response.
BINABASA MO ANG
Pinagsoltada
General FictionErnesto always wins--his father's favor, cock derbies, and his wife's heart. But when Joan arrived, he realizes that he's less likely to win if he's fighting against a love that always hides. © anathecowgirl -------- Baluarte Dela Fuente Book 1 Feat...
