"YOU'RE BLEEDING!" Ernesto blurted.
Namilog ang mga mata ni Joan. Tila nagising ito mula sa pagkakatulala sa kaniya at nahuli ang gulat na reaksiyon nito dahil sa kaniyang sinabi. A whispery gasp escaped from her swollen lips before she stepped back and slipped away from him that easily.
Tigagal na sinundan niya ito ng tingin. She ran away until she turned into a speck of black and pastel lime green that dashed in between the coconut trees before she was completely out of sight. Hindi malaman ni Ernesto kung ano ang gagawin kaya napako siya sa kinatatayuan. Ilang minuto rin siyang napaisip.
'Where did that bleeding come from?' He shook his head, not knowing where to exactly look. 'Ako ba ang may kagagawan n'on?
Masama ba iyon? Kailangan na ba nila bumalik sa bayan para mapatingnan ang dalaga? He made an emergency plan in his mind before bolting away.
Natatarantang tumakbo siya para habulin si Joan pero bumalik din agad nang maalala ang mga naiwan nilang gamit. Halos madapa pa siya sa kamamadali at hindi magkanda-ugaga sa pagbitbit sa mga iyon. Kahit solo nila ang isla, hindi pa rin niya puwedeng pabayaan dito ang mga gamit na hiniram lang mula kay Attorney Pereira. Being responsible was ingrained in him since childhood that it turned to his unconscious instinct.
Pero sa pagkakataong ito, hindi muna niya iniwan sa main rest house ang mga gamit. Dumeretso siya sa bungalow nila ni Joan at ibinaba agad sa sahig, katabi ng couch ang mga gamit. He didn't have the time to bother if he put them down carefully. Nagmamadaling pumasok siya sa silid nito.
Kapwa sila nagulat nang magkita.
Sa pagkakataong ito, itim na panty na lang ang suot ni Joan habang papiga na tinutuyo nito ng tuwalya ang basang buhok. He immediately cupped her face and just noticed how pale she looked.
"What happened?" he worried, searching her eyes as he drew his face close to hers. "Why are you bleeding? Do you need a doctor? I know how to drive their motorboat here. Hamos—"
"Ano ka ba, Ernesto?" layo nito sa kaniya. "Hindi ko kailangan ng doktor."
"But—" Natigilan siya nang may napagtanto. Napatitig pa siya sa kawalan. "Ahh . . ." Ibinaling niya uli ang tingin kay Joan na sa pagkakataong ito ay nakaupo na sa kama. Nakapatong kasi roon ang bukas nitong bag. Namili ang dalaga ng susuoting damit. "You're on your period!"
Hindi siya nito nilingon. Sa halip, nahihiyang yumuko ito at inabala ang sarili sa ginagawa.
Saglit niya itong pinasadahan ng tingin. She was only wearing those sexy, black satin panties. Her damp hair draped over one shoulder and covered one breast while the other one remained exposed—a round, glossy flesh, that is damp as well. Nakatirik pa ang tuktok nito na bilog na bilog.
Ernesto swallowed. Dahan-dahan siyang lumapit sa dalaga.
"I'm sorry for overreacting." He tried to stay calm. "Do you have napkins with you? Kung wala nang stock ng napkins 'tong resort, I'll ride the motorboat or the jet ski and visit the other island, if you want. I mean, I can look around Ticao but I don't know the places here, kaya mamamangka na lang ako—" Fuck, he was already talking too fast! "—para mamili ng napkins. Do you need meds? For cramps? Or—"
"May napkin ako. I am also expecting this. . . ." Napayuko ito at hindi nakaligtas sa pandinig niya ang mahina nitong pagbulong sa sarili. "At salamat sa Diyos, dinatnan na ako sa wakas. . . ." Then she shyly looked at him again. "Okay lang ako. Tumakbo ako agad kasi hindi mo iyon dapat nakita. Nakakahiya."
"Nakakahiya? Hindi ba normal naman sa inyong babae iyon? Kaya ano ang nakakahiya sa natagusan ka?"
Gulat na napatingala ito sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Pinagsoltada
Ficción GeneralErnesto always wins--his father's favor, cock derbies, and his wife's heart. But when Joan arrived, he realizes that he's less likely to win if he's fighting against a love that always hides. © anathecowgirl -------- Baluarte Dela Fuente Book 1 Feat...
