MATANDA na si Kapitan. Ang tantiya ay nasa trese años na. Tantiya lang dahil wala namang nakaaalam sa kanila kung anong taon mismo ipinanganak ang manok.
Ikinagulat talaga ni Joan na naipasok ni Vidal ang tandang sa hotel na pansamantala niyang tutuluyan. Ang pagkakaalam niya kasi ay bawal magdala sa hotel ng mga hayop na katulad ng tandang, pero hindi na siya nagtanong pa sa lalaki. She knew that for someone like Vidal, anything he wanted could be done. It was as if he was always exempt from the rules.
Hawak na ni Joan ang hugis-kahon na hawla. Nanguna siya sa paglalakad habang isinara muna ni Vidal ang pinto ng silid bago sumunod sa kaniya. She carefully rested the chicken cage beside the sofa before standing straight and turning to face her guest.
"Have a seat," she smiled, then she gestured a hand at the coffee table. "May naghihintay na ring kape. For you."
Vidal sighed in relief and seated at the other end of the sofa. Umupo si Joan sa kabilang dulo, malapit sa kulungan ng manok na nakalapag sa sahig.
Saglit na sumimsim ng kape ang lalaki. Mariing itinikom nito ang mga labi pagkatapos at tumango-tango na para bang hinuhusgahan ang pagkakatimpla niya sa kape. The silence bought Joan some time to study his features—the same wide and thin playful lips, almond-shaped eyes, and thin, sharply arched brows. His black hair was already trimmed short that it made him look so neat, and made the slightly elongated square-shape of his face more prominent.
When it comes to fashion, Vidal completely changed. The body fitting yet long shirts and baggy jeans were already replaced by a white shirt topped by a white piped navy blue cardigan, tight jeans, and red sneakers.
Joan smiled in satisfaction. Saktong nakaiwas na siya ng tingin sa lalaki nang lingonin naman siya nito. Tipid itong ngumiti habang pinanonood ang pagyuko niya sa kulungan ni Kapitan. Mahinang kumalansing ito dahil tinatanggal niya ang mga hook sa gilid ng kulungan para mailabas ang manok.
"Hey. Mamaya na 'yan, baka lumamig ang kape mo," paalala ng lalaki sa kaniya.
Nerbiyos siyang tumawa sabay harap dito. "Sorry." Tumuwid na rin siya ng pagkakaupo. "I just got excited. I really missed him."
"Alam ko. Kaya nga dinala ko siya rito, 'di ba?"
Her lips almost pouted when she smiled at him while nodding. Napansin niya ang hawak nitong mug kaya naalala niyang damputin ang sarili niyang mug at inumin na rin ang kapeng laman nito.
Saglit lang sila nagkumustahan. Habang kausap si Vidal, kadalasan ay kandong ni Joan ang tandang at hinihimas ang balahibo nito. Pagkatapos, ikinulong na niya uli ito sa kulungan nito para makakain, makapaglakad-lakad nang kaunti, makainom, at makatulog nito.
Kasunod ng kaswal nilang mga usapan ay ang walang paligoy-ligoy na mga tanong ni Vidal. To make it simple, he asked for updates.
Joan reported everything she encountered at Hacienda Dela Fuente—everything that only had to do with the business and with what interests Vidal. Umasa siya na magpapakita ng pagkakontento ang lalaki pero sa halip, napasandal ito sa kinauupuan at nagsalubong ang mga kilay.
Inilapit ni Vidal ang mug sa mga labi. Iinom na sana uli ito ng kape pero bigla itong tumigil. Nilingon siya nito at tinanong. "Sa tingin mo ba, mapapapayag ni Don Timoteo si Ernesto na bumalik sa pagsasabong?"
"Bakit mo itinatanong? Hindi ba, ikaw ang may sabi niyan? Kaya nga si Don Timoteo ang pinakiusapan ko na impluwensiyahan si Ernesto."
"I mean, you are already there to do the job. Is it really necessary for you to for Don Timoteo to come back, kung puwede naman na ikaw na ang tumapos sa nasimulan mo?"
BINABASA MO ANG
Pinagsoltada
Ficción GeneralErnesto always wins--his father's favor, cock derbies, and his wife's heart. But when Joan arrived, he realizes that he's less likely to win if he's fighting against a love that always hides. © anathecowgirl -------- Baluarte Dela Fuente Book 1 Feat...
