ABALA ang lahat sa mansiyon ng mga Dela Fuente dahil bisperas na ng Pasko. Mamayang gabi na ang noche buena.
Lalong namukadkad sa ganda ng interior ng tahanan ng mga Dela Fuente dahil sa mga pampaskong palamuti. The clean, cream colored walls made the red glittery poinsettias and evergreens pop. Pansamantalang tinanggal muna ang estante at flower vase na nakapatong rito sa receiving area at ipinalit dito ang isang pagkataas-taas na Christmas tree. Kulay green ang dahon ng malaking puno na napapalamutian ng pinaghalong puti at pulang mga garlands at pabitin.
Muling ipina-testing ni Doña Grazie ang Christmas lights na nakapulupot sa Christmas tree. Nakatayo ang ginang sa tapat ng puno katabi ni Mayordoma Emma at ang isa sa mga nagtatrabaho para sa maintenance ng buong hacienda na si Kuya Rico.
Nagkikislapan na ang dilaw na mga ilaw nang saktong sumulpot si Allyssa sa puno ng grand stairs. Nang makababa ng hagdanan, tumabi si Allyssa sa mother-in-law nito at masayang pinagmasdan ang magandang Christmas tree.
Nakangiting nilingon ng ginang si Allyssa. "Mukhang ayos na itong Christmas tree natin. P'wede n'yo nang ilagay sa paanan nito ang mga regalo ninyo."
Natuwa si Allyssa sa narinig.
"Sige, Mama." Akmang aakyat na ito sa hagdan para bumalik sa kuwarto nang sumulpot si Mona. Galing ito sa kusina dahil tumulong ito saglit sa mga preparasyon para sa noche buena. "Mona!"
Lumapit agad ang katulong kay Allyssa. "Yes, Ma'am Allyssa?"
"Samahan mo ako saglit sa kuwarto. Tulungan mo akong ibaba rito ang mga regalo namin ni Ernesto para sa lahat."
Magalang na tumango si Mona. "Sige po, ma'am."
Pagkatapos ay magalang na tinanguan din ng katulong si Doña Grazie at ang mga kasama nito para magpaalam bago sumabay kay Allyssa sa pag-akyat sa hagdan.
Pagdarating nina Allyssa at Mona sa kuwarto, masarap pa ang tulog ni Alwyn sa crib nito na kakalipat lang sa tulugan ng mag-asawa. Para hindi maistorbo ang tulog ng bata, tahimik ngunit mabilis na kumilos sina Allyssa.
Allyssa hurried to the other side of the bed. Doon kasi nila inipon ni Ernesto ang mga nakabalot na regalo na ibibigay sa kanilang mga mahal sa buhay. She passed the gifts one by one to Mona.
Mona started carrying the gift bags that were all identical—red bags with gold snowflake designs and white twisted yarn handles. Isinabit ng babae ang karamihan sa mga ito sa isa nitong braso bago pinagpatong-patong ang mga nakakahon na regalo para isahang buhatan na lang ang gagawin sa mga ito. Ang mga kahon na regalo ay pare-parehong binalot sa glossy na green gift wrap na may glittery silver star patterns.
"Ma'am?" pukaw ni Mona kay Allyssa na inaayos pa rin ang pagkakabitbit sa tatlong kahon na regalo bago nito ipinukol ang tingin sa katulong.
"Yes?"
Pinasadahan uli ni Mona ng tingin ang mga regalong kanilang bitbit bago ibinalik ang tingin kay Allyssa at sumagot.
"Puro green yata ang gift wrap ng mga 'to, ma'am."
"Ah, yes. Pero may nakasulat namang pangalan sa mga card na nakadikit sa mga 'yan. Kaya hindi magkakalituhan kung kanino ibibigay ang bawat gifts."
"Opo, ma'am, pero baka kasi makaligtaan natin 'yong kulay pula na regalo."
Kumunot ang noo ni Allyssa. "Kulay pula?"
Allyssa did most of the giftwrapping, dahil may mga trabaho si Ernesto sa hacienda. But Ernesto did his fair share. Ang honcho na kasi ang nag-asikaso sa pamimili ng mga regalo habang naka-focus ang babae sa pag-aalaga kay Alwyn. At dahil si Allyssa ang nagbalot ng mga regalo, hindi nito maintindihan kung ano itong kulay pula na regalo na tinutukoy ni Mona.
BINABASA MO ANG
Pinagsoltada
General FictionErnesto always wins--his father's favor, cock derbies, and his wife's heart. But when Joan arrived, he realizes that he's less likely to win if he's fighting against a love that always hides. © anathecowgirl -------- Baluarte Dela Fuente Book 1 Feat...
