77

458 14 1
                                        

KINABUKASAN, nakatutok na si Joan sa kaniyang trabaho sa hacienda. Napagkasunduan nila ni Ernesto kagabi na hindi muna sila masyadong magpapansinan lalo na at nasa paligid lang si Allyssa, kaya kadalasan ay nasa labas ito ng mansiyon.

Dahil dito, nagtaka siya nang biglaang pumasok ang lalaki sa office room. Joan craned her neck, expecting someone else to enter the room after Ernesto. But no. He immediately shut the door, indicating that he came alone.

Ibinalik niya ang tingin sa laptop screen.

"May usapan tayo," paalala niya rito sa pormal na tono. Mahirap nang madatnan sila ng iba na kakaiba ang tono ng pananalita.

"Oo. Pero kinausap ako ni Genaro kanina. Mukha ka raw matamlay. Baka magduda iyon kapag dinedma ko lang ang sinabi niya." Pumosisyon si Ernesto sa kabila ng desk at patagilid na umupo rito. "Isa pa, kahit pilitin ko, hindi ko kayang dedmahin iyon."

"Walang masakit sa katawan ko, pero medyo napagod lang ako dahil sa nangyari kagabi."

Pinigilan ni Ernesto ang mapangisi. "Sabi ko naman kasi sa 'yo. Magpahinga—"

"Hindi puwede. Ano naman ang idadahilan ko kapag nag-leave ako? Isa pa, hindi valid reason na—" Hindi niya maituloy ang sasabihin, pero tiwala siyang na-gets ng lalaki ang ipinapahiwatig niya.

"Na may dumilig sa 'yo kagabi—"

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Ernesto!"

Mahina itong tumawa. He pulled something out of his jeans' pocket and placed it on the desk, close to her hand that rested over the laptop.

"That's for the muscle pains. Take it," anito.

Sinulyapan lang niya ang isang banig ng gamot bago ibinalik ang tingin sa laptop screen.

"Thank you, but I told you, walang masakit sa katawan ko."

Ilang minuto ring namayani ang katahimikan sa pagitan nila. She could feel Ernesto staring at her. Nagtaka tuloy siya kung bakit hindi pa ito umaalis.

Itinigil niya tuloy ang pagtitipa at tiningala ito. "Yes, señor?"

He smiled at her and reached for her chin. This way, she could not look away from his mesmerizing gaze anymore.

"Gusto kitang i-date at ipasyal sa iba't ibang lugar. Gusto ko magbakasyon kasama ka at kumuha tayo ng maraming-maraming litrato. Gusto kita isama sa panonood sa sine, sa pag-iikot sa hacienda, at sa mga pagtitipon. Gusto kita makasabay sa pag-aalmusal, pagtatanglian, at paghahapunan. I can't wait to make everything . . . official."

Her lips parted slightly. 'Bakit ba kasi umagang-umaga, bumabanat nang ganito si Ernesto!?'

"Para kang politiko, ang dami mo namang ipinapangako sa akin. Ang sabi ko kagabi, malapit na akong mahulog sa iyo, hindi totally nahulog na ako."

He just smirked. "Exactly. Malapit ka nang mahulog, kaya itutuloy-tuloy ko na ang pagpapa-fall sa 'yo."

"Pa-fall lang?" pabirong ngisi niya rito.

"I'll make you fall so I can catch you. And once I catch you, I will never let you go, Joan."

Umiling siya para maalis ang kaniyang baba mula sa pagkakahawak nito. She lowered her eyes and returned to her work.

Sakto namang may kumatok sa pinto. Nagmamadaling lumayo sa desk si Ernesto at isinuksok ang mga kamay sa bulsa ng jeans nito. When he turned to the door, someone peeked from behind it—Tessa, the maid.

Ernesto nodded at her, so she stepped inside the room. May dala itong isang tray na may tall glass ng tubig at isang platitong may sandwiches.

"Maayo na aga, Señor Ernesto . . ." Gumawi ang tingin ng katulong sa kaniya. ". . . at Ma'am Joan."

PinagsoltadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon