68

554 10 1
                                        

'HE SHOULDN'T have said that! NakakainisNakakagalit!' Joan stomped inside the bungalow, almost stumbling while carrying her bags. Sa hindi malamang dahilan, tila bumigat din ang mga bag kaya hirap na hirap siyang bitbitin ang mga ito papasok. 'Ang sabi niya, mag-e-enjoy ako rito! Pero papan-o ako mag-e-enjoy? Kadarating ko lang dito, puro problema ang ibubungad niya sa akin? Nakakawala naman ng gana!'

Mabilis na hinanap niya ang kuwarto. Hindi na pinansin ni Joan ang interior ng bungalow dahil parang nagdidilim ang paningin niya.

'At tungkol sa annulment, bakit ko 'yon dapat problemahin? Kasalanan niya 'yon! Bakit hindi pa siya nagpa-annul noon pa? Kung bakit kasi, hindi pa siya annulled, lumalandi na siya!'

Pabalibag niyang binagsak sa carpeted na sahig ang mga gamit. Umupo siya sa gilid ng kama at mabigat na napabuntonghininga.

'Alam ko, kasalanan ko rin ito. . . .' sapo niya sa kaniyang noo. Napayuko na siya at itinukod sa mga tuhod ang mga siko habang nakatakip na sa mukha ang kaniyang mga palad. 'Binigyan niya ako ng pagkakataon para tumakbo palayo sa kan'ya. Pero ano ang ginawa ko? Hindi naman pagpatol sa kaniya ang ipinunta ko sa hacienda, pero ano itong ginawa ko?'

She felt her warm tears against her palms.

'Makukulong ba ako? Am I a third party now? I'm so confused!'

She took in a deep breath and sniffed.

'Or is he punishing me? Hindi ba siya ang nagsabi? Kailangan kong manatiling sa hacienda para pagbayaran ko ang consequences ng mga ginawa ko . . . ng mga ginawa naming dalawa! Ang malala pa roon, kahit sinabi ko na itong sitwasyon namin ni Ernesto, ayaw akong paalisin ni Vidal sa hacienda. Dapat ko raw siguraduhin na magtatagumpay ang plano niya para kay Ernesto.'

Napasinghap siya nang maramdaman ang isang kamay ni Ernesto sa kaniyang balikat. He gave her a gentle squeeze there before sitting beside her. Napako tuloy si Joan sa kaniyang posisyon. Ayaw niyang alisin ang mga palad sa mukha dahil makikita lang ni Ernesto na umiiyak siya.

"Jo . . ." nag-aalala nitong tawag sa mahinang boses.

She was afraid to reply. Baka gumaralgal kasi ang kaniyang boses. In times that she's vulnerable, she could not calculate herself, her body. She could not tell what will happen when she does something, like simply talking. What Genaro said must be really true. Like Ernesto, she had the tendency to go overboard, to lose control over her emotions.

Narinig niya ang malalim na paghinga ng lalaki. In a matter of seconds, his arm was already garlanded around her shoulders. "I'm sorry for making you upset. But please, let me know, kung ano ang nasabi ko o nagawa ko na hindi mo nagustohan. I won't be able to stop doing something if I don't know what it is that you don't want me to do."

"Pakiusap—" She stopped when her voice sounded nasally and wavered.

"My God, Jo," he gasped, pained. "You're crying?"

Napailing siya nang inangat na rin nito ang isang braso para tuluyan siyang ikulong sa yakap nito.

"Say something, Jo," he begged. "You have to open up to me."

"Why should I?" she flung down her hands and blurted with tears streaming down her eyes. "Would that even matter? Hindi mo na kailangan pang maging concern ang nararamdaman ko! Nagkakasama lang naman tayo para mag-sex, and that's it!"

PinagsoltadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon