HINDI pagmamahal para sa kapatid ang nagtulak kay Joan sa desisyon na ito. Kahit mahal niya si Kobi, kilala niya ito. Ayaw nito na nadadawit sila sa gulo kaya tiyak niyang kung magmumulto ito, ihahabilin nito na huwag na niyang palakihin pa ang gulo. Na mas piliin niya ang mapayapang buhay at huwag banggain ang kahit sino, kahit si Kyle pa na pumatay rito. Ngunit ang paulit-ulit na pagbabalik-tanaw sa hitsura ng mag-ina ni Señor Ernesto ang nagpabago sa kaniyang isip.
She saw how giving birth took a toll on Allyssa, who used to be the Reina Elena, the most beautiful woman in Masbate. Pumayat ito, pumutla, at tila nawalan ng sigla. She looked like she had sleepless nights and troubles in her heart.
But what impacted Joan the most was when she saw how their baby slept peacefully in his mother’s arms. Their little boy seemed very innocent and trusting. Alam ni Joan ang pakiramdam nang mawalan ng magulang sa murang edad, kaya hindi niya maatim—kahit isipin man lang—na ipagkakait niya kung sakali sa sanggol ang makasama si Señor Ernesto kapag pinalaki pa niya ang akusasyon ng mga taga-Mandaon dito ukol sa pagkamatay ni Kobi.
It was that baby who gave Joan the courage to do what is right.
Pagkabalik na pagkabalik ni Señor Ernesto sa office room, nahirapan pa siyang sabihin sa honcho ang kaniyang pasya.
Inabutan siya ng lalaki ng isang tall glass ng tubig. She accepted it with shaky hands but did not drink a single drop from it.
“S-Se . . . Señor . . . Ano . . .” Lumunok si Joan. Parang may malaking nakabara sa kaniyang lalamunan at hirap na hirap siyang ilabas ang kaniyang boses.
Nag-aalalang tinitigan siya ng lalaki bago bumusangot ang mukha nito. “P’wede ba, uminom ka muna?”
Maingat siyang umiling.
“Señor, nakapagpasya na po ako.” Inilapag ni Joan ang baso sa desk at tumayo na. She managed a weak smile for him. “Handa na po akong tumulong sa kaso. Ipasundo n’yo na lang po ako kapag makikipagkita na ako sa magiging abogado natin.”
Halatang-halata ang pagtataka ng lalaki. “Sigurado ka ba?”
Tumango-tango siya. “Opo, señor.”
His eyes narrowed, obviously doubting her. “Pero kanina lang . . . desidido ka na huwag magsampa ng kaso.”
Inayos ni Joan ang pagkakasukbit ng kaniyang bag. “Nahimasmasan na ako, señor. Habang mag-isa ako kanina, nakapag-isip-isip na ako nang maayos.”
Pinag-aralan siya ng mga mata nito bago tumango nang isang beses. “Sige.”
Namaywang pa ito gamit ang dalawang kamay. Tila nangalay ang balakang nito at itinuwid nito ang likod para mag-unat saglit.
“I know this has been a lot for you, so take the day off. Ipahahatid kita kay Dario sa bahay mo.”
“Sa manukan niya na po ako ihatid, señor. Ayokong umuwi. Kung ano-ano lang kasi ang maiisip ko. Kapag busy ako, hindi ako makapag-iisip masyado ng mga alalahanin ko.”
Señor Ernesto lowered his head and nodded. “You’re strong. I admire that.”
Tumango lang siya bilang tugon. Sa palagay niya, sinabi lang iyon ng lalaki para pagaanin ang loob niya, para iparamdam sa kaniya na tama ang ginawa niyang desisyon, at para hindi na magbago pa ang kaniyang isip.
Inunahan siya ni Señor Ernesto sa pagbaba sa grand stairs hanggang sa huminto sila sa labas, sa tapat ng bahay. May tinawagan ang lalaki sa cell phone nito bago sila nagpirmi rito at naghintay kay Dario.
Kita ni Joan sa gilid ng kaniyang mga mata na panay ang sulyap sa kaniya ni Señor Ernesto. Sa palagay niya ay hindi pa rin ito makapaniwala sa biglaang pagbabago ng kaniyang isip tungkol sa pagsasampa ng kaso laban kay Kyle.
BINABASA MO ANG
Pinagsoltada
General FictionErnesto always wins--his father's favor, cock derbies, and his wife's heart. But when Joan arrived, he realizes that he's less likely to win if he's fighting against a love that always hides. © anathecowgirl -------- Baluarte Dela Fuente Book 1 Feat...
