Chapter 5

853 42 6
                                    

Chapter 5

Pool of Snowflakes


Charlotte

"Charlotte, your room is at the corner of the corridor." Sabi ni Mrs. Sarah habang tinuturo niya ang hagdan sa gilid. Nagdadalawang-isip pa ako pero nagpatuloy na lang ako maglakad.

Umakyat na ako sa hagdan at pagkarating ko sa tuktok kung saan hindi na nila ako masyado nakikita, napatigil ako. Within earshot pa din ako ng living room nila at naririnig ko ang kanilang pinag-uusapan. It's about me and it didn't sound so good.

"Where is she going to stay then? Na-occupied na ang guest room as our gaming room." Boses ni Zach ito.

"Charlotte will stay at the other room." Sabi ni Mrs. Sarah.

Natahimik sila sa suhestiyon ni Mrs. Sarah. But then I realized, it was silence. They were groaning out of frustration. Dama sa tono nila na ayaw talaga nila ako sa loob ng tahanan nila. Hindi ko naman ito ginusto. Kahit naiinis ako sa mga Snowflakes na 'yan kailangan ko pa rin panindigan itong desisyon ko.

"No! No way, Mom!" Tutol ni Tyler, for some reason, nalaman ko na iyon ang boses niya. Paano ko 'yon nalaman? I have no idea.

"Not the other room!" Sagot naman ni Daniel.

"Bakit dito pa siya makikitira? Can't she find her own place to stay? Squatter ba 'yan babae?" Sunud-sunod na tanong ni Malcolm.

"She doesn't have any other place to stay. This is her only option." Mahinahon na sagot ni Mrs. Sarah.

"But she doesn't belong here! She can't use that room, Mom! She doesn't belong here!" Nanikip ang dibdib ko pagkasabi iyon ni Tyler.

"Enough! Magbihis na kayo at iakyat ninyo ang mga gamit ni Charlotte sa kwarto niya!"

Ang sunod kong narinig ay pagdaing nila sa sobrang irita kasabay ng hakbang ng kanilang mga paa. Nahagilap ko silang lumabas ng bahay na nagmumura pa palabas ng pinto. As much as I want to help them, ayoko naman sila samahan sa baba, lalo na kung nararamdaman ko na ayaw nila akong makasama.

Sa tuktok ng staircase ay may mahabang koridor. May mga picture frames na nakadikit sa pader, baby pa lang sila at mga bungi pa na bata. Ang cute nilang lahat kaso iyong lumaki na, gumwapo na sila at pumanget ang ugali. Kainis.

Nalagpasan ko ang mga kwarto nila na may pangalan ng bawat magkakapatid. Walang pinto. Walong kwarto. Pagkarating ko sa pinakadulo na silid, may pangalan na nakadikit din doon katulad sa mga nauna kong nabasa.

Pristine.

Bakit Pristine ang nakalagay doon? May babae ba silang kapatid?

Pumasok ako sa loob ng kwarto at nagulat ako. Puro pink ang paligid kahit ang kama, wallpaper, at carpet. May kapatid ba silang pangalan na Pristine? Wala naman akong nakikitang babae na kasama nila.

This is weird.

Naglakad ako papunta sa tapat ng kama at humiga roon. Tinitigan ko ang kisame. Iniisip ko kung paano ko sila makakasalamuha rito pero mukhang impossible ito. Napabuntong-hininga ako.

I'm going to live with these boys for the rest of the school year. It's too late to turn back now.

---

Lumipas ang isang linggo nang lumipat ako sa Hansens. Buhay pa naman ako kahit papaano. Hindi kami nagpapansinan at nag-uusap. May sarili silang mundo at mayroon din ako. Pakiramdam ko may pader na namamagitan sa amin. It keeps me separated from those boys.

Swan of Endless Feathers (Book 1 of Swan Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon