Chapter 35
Sunny Island
Charlotte
Nagising ako habang nakayakap sa Rilakkuma koleksyon ko. Inamoy ko ito at nalanghap ko ang mga pabango ng Hansen boys. Hanggang ngayon, kumakapit pa rin ang amoy nila sa Rilakkuma ko!
Padabog kong ibinaba ito sa kama na nakanguso. Lahat na lang inaangkin nila sa buhay ko. Mula sa mga ballpen at school supplies pati na rin ang Rilakkuma ko.
Ngayon, pati na rin ang puso ko ay inaangkin na nila.
"Charlotte! Breakfast is ready!" Narinig kong kumatok si Mrs. Sarah mula sa pintuan at humakbang na ito palayo.
Agad akong bumaba papunta sa kusina at nadatnan ko silang mga inaantok na kumakain ng breakfast. I sighed. As usual, ang mga utak nila'y naiwan pa rin sa higaan nila.
Napalingon ako sa direksyon niya, nakatitig ang mata niya sa akin at dahan-dahan na lumawak ang hambog niyang ngiti like he already owns me.
"Good morning, babe." Bati sa akin ni Malcolm pagkaupo ko sa tapat niya.
"Babe?" Sabay-sabay na tanong ng mga kapatid niya na tila nabuhayan sila ng marinig nila ito.
"Ang daming triggered." Tumawa si Malcolm sa naging reaksyon nila.
He wouldn't take his eyes off me habang kumakain ito ng pancake niya. The syrup was dripping beside his lip and he licked it to remove the stain.
Naalala ko na naman ang nangyari kahapon at tila naramdaman ko ang multo ng halik niya.
Oh gahd. I wasn't dreaming? It did happen? He kissed me! Twice!
Hindi ako sumagot sa kanya. Nagmadali akong kumain kahit punung-puno ng pancake at syrup ang bibig ko. Tumingala sa kanyang direksyon at nahuli ko si Malcolm na pinapanuod akong kumain.
"Congratulations, Malcolm! We're so proud of you." Maligayang pagbati ni Mrs. Sarah habang pinipisil niya ang pisngi ni Malcolm. He grunted. "Today, we're going to have a special treat for you."
"Saan tayo luluwas?" Umarko ang kilay ni Zach nang tinanong niya ito.
"Pupunta tayo ng Sunny Island! May shooting si Austin 'don kaya naisipan kong 'don na lang din natin icelebrate ang pagkapanalo ni Malcolm." Lumawak 'yong ngiti ni Mrs. Sarah dala ng kanyang excitement.
Bumabalik na rin ang taglamig sa kanilang distrito. Nagsusuot na sila ng mga long-sleeves at turtleneck, hindi katulad 'nong unang dating ko ay nagagawa pa nilang maglakad na nakaboxer shorts lang.
"Shooting na naman?" Tumaas ang kilay ni Tyler.
"It's a summer edition for the magazine." Austin shrugged like it wasn't a big deal.
Ngayon ko lang napansin na may suot si Mrs. Sarah na sunhat, knitted beach cardigan and long white skirt. Ang aga niya siguro nakapaghanda dala ng kanyang excitement. Ang sobrang ganda ni Mrs. Sarah, lalo na't nakalugay pa ang buhok niya.
"Magbihis kayo after niyong kumain. I rented a beach house overnight." Untag ni Mrs. Sarah.
"Dapat sinabihan mo kami kagabi pa para nakapag-impake na kami." Ngumuso si Daniel.
Napalingon ako sa direksyon ni Riley. Nakayuko lang siya, halos tinutusok lang ang pagkain niya. Ang kapal ng eyebags niya at namumutla ang kanyang mukha.
Nagpuyat ba siya kagabi?
"I know but I was very busy last night. Minsan lang naman tayo mag-outing."
BINABASA MO ANG
Swan of Endless Feathers (Book 1 of Swan Trilogy)
Teen FictionEight gorgeous boys. One brave girl. Living in a house with a mystery kept secret from their lives. *** Napilitan lumipat ni Charlotte Svana Howell sa tahanan ng mga sikat at gwapong schoolmates niya para makapagpatuloy sa pag-aaral niya. She always...