Chapter 47
Promise
Charlotte
Sinilip ko ang kwarto ni Mrs. Sarah. Nakita ko siyang natutulog sa kama niya, mukhang malalim ang tulog niya sa sobrang pagod nito.
May nakalatag na rin na breakfast tray sa bedside drawer. The coffee is still steaming and the butter on the pancake still hasn't melted yet.
Alagang-alaga siya ng mga Hansen boys kahit hindi nila alam ang nangyari sa kanya.
Nag-aalala pa rin ako ako kay Mrs. Sarah. Hindi ako mapakale.
Napabuntong-hininga na lang ako. Nagpasya akong bumaba ng hagdan at pumunta ng kusina para makapag-almusal.
"Putang inang mga FGC na 'yan!"
Napatigil ako sa paglalakad nang marinig kong may sumigaw mula sa kusina. I stood in the arch of the kitchen, lahat sila'y may hawak na phone habang kumakain.
"Kung ano-ano na naman pinopost nila tungkol sa atin!"
"Forty-two girls? Mali naman statistics nila ng naging girlfriend ko. Mas mataas pa kaya." Zach shook his head, disapprovingly.
Kumunot ang noo ko.
"What's happening?" Tanong ko. Agad na nagtaasan ang kanilang ulo para tingnan ako.
Nagtaka naman ako kung bakit nila tinago ang phone nila.
"Huwag ka maniniwala sa nakikita mo sa social media!"
"Ano bang pinost nila?"
"Charlotte, don't look!"
Hindi ko na sila pinakinggan pa at tiningnan ko na ito sa phone ko, checking out the social media.
Napasimangot na lang ako. Ewan ko ba pero gusto kong magalit sa nagpost nito.
May kumakalat na naman na chismis tungkol sa Hansen boys na halos umabot pa ito sa iba't-ibang panig ng Aestheria. Hindi naging maganda ang naidulot nito dahil maraming naniniwala sa post ng FGC.
Fuckboys. Perverts. Malalandi. Ang daming mga girlfriend palagi.
I lived with them for months now and I've never seen them with another girl except for me. I believe in what I see, I believe in the Hansens more than the rumors.
Ngunit, matagal na bumabagabag sa isipan ko ang mga umiikot na chismis na 'yan. I know it's not true but I need to know the cause why people believe it so much.
Nang umupo ako sa dining table, nagsitayuan naman ang mga Hansen boys kahit hindi pa sila tapos na kumain. Naiwan na lang si Tyler na nakababa ang phone niya sa tabi ng cereal bowl niya.
"B-Bakit sila umalis? May nagawa ba ako?"
"They're too embarrassed to face you."
"Edi bakit ikaw..."
"The rumors doesn't bother me. And besides..." His alluring grey eyes are staring back at me. Napalunok ako ng bahagya. "You see with your heart."
"Tyler, bakit maraming nagsasabi na mga fuckboys daw kayo?"
Agad akong nagsisi sa ibinitaw kong tanong dahil para bang naoffend pa siya sa sinabi ko.
"Hindi kami ganon, Charlotte." Tyler squinted his eyes.
"Hindi ko naman kayo hinuhusgahan..."
Bumigat ang tensyon sa pagitan namin. He clenched his jaw.
BINABASA MO ANG
Swan of Endless Feathers (Book 1 of Swan Trilogy)
Teen FictionEight gorgeous boys. One brave girl. Living in a house with a mystery kept secret from their lives. *** Napilitan lumipat ni Charlotte Svana Howell sa tahanan ng mga sikat at gwapong schoolmates niya para makapagpatuloy sa pag-aaral niya. She always...