Chapter 73
Stay Positive
Daniel
This is so fucked up.
Kamakailan lang naglalaro ako ng Among Us kasama ng mga kapatid ko sabay palagi ako namamatay ng pesteng impostor na 'yan. Ayoko sa lahat ang maging impostor si Nick at Tyler. GG kami.
Okay. Mamamatay na nga kami pero puro laro ang iniisip ko.
Pakiramdam ko nasa ganitong sitwasyon din kami. Imbes na hulaan kung sino ang impostor sa amin, kailangan namin malaman kung sino ang nagkulong sa amin upang makatakas kami.
I wanted to run but there's nowhere to go and I don't want to leave my brothers behind. Siyempre kailangan ko sila makasama para isusumbong ko sila kay Mom.
I felt sick to my stomach. Gusto kong masuka pero wala akong mailuwa. Kainin ko kaya 'yung lupa para masuka ko.
Fuck. I tried to joke around with myself but it wouldn't shake off my agitation.
Naiiyak na ko. Gusto kong umiyak nang umiyak habang nakayakap sa tuhod ko. Umagos ang luha ko sa pisngi ko habang nangangatal ang buong katawan ko sa kawalan ko ng pag-asa.
Nakakapanghina rin sa damdamin ang pakiramdam na parang wala kang magagawa para kontrolin at takasan ang sitwasyon niyo.
Gusto ko bumalik na lang lahat sa dati. Sana bumalik sa mga araw na masaya pa kami. Sana bumalik sa simula at hindi ganito ang magiging hantungan.
Naglalaro lang kami ng video games sa gaming room, nakasakay ulit sa shopping cart habang tinutulak kami, nililibot ang lugar ng Aestheria sa gabi gamit ng bisikleta namin na may neon lights sa gulong, sinasabayan ang sigaw ng kanta at nagkaisa ang boses namin lahat.
Kumakapit na lamang ako sa mga masasayang ala-ala namin para manatili ang katinuan ng pag-iisip ko. Nakakabaliw itong peligro kung saan kami nakabaon, kung saan kami nakakulong.
I kept thinking about Charlotte, ang babaeng crush ko.
Kahit papaano ay kumakalma ako kapag iniisip ko siya. Nabibigyan ako ng kaunting pag-asa dahil gusto ko siyang makita at ang magulang ko.
Una ko siyang nakita na umiiyak sa front porch ng kanilang bahay. Nasa patio ang mga kapatid ko pero pumunta ako sa harap ng bahay dahil inutusan akong imbitahin ang kapit-bahay namin.
Nilapitan ko siya, nakayukod lang siya sa hita niya habang humahagulgol ito. Umupo ako sa tabi niya pero hindi niya pa rin ako napapansin.
"Hey..."
Hinagod ko ang likod niya. Nabigla siya sa ginawa ko atsaka umupo siya nang tuwid at lumayo sa akin.
"Ah! Sorry! Nabigla kita!"
Nagmumugto ang mata niya. Basang-basa ang pisngi niya. Kanina pa yata siya umiiyak.
Sana mas maaga ako nautusan ni Mom para hindi tumagal ang kalungkutan niya.
Pinahid ko 'yung luha niya, sobrang basa ng pisngi niya at namumula 'yung mata at ilong niya kakaiyak.
"What's wrong?" Tanong ko.
Mapanuri niya akong tiningnan na tila bang nagdadalawang-isip siya na isagot ang tanong ko. Napabuntong-hininga siya.
"Nag-aaway ang magulang ko..."
"Bakit sila nag-aaway?"
"Tungkol yata sa pera at trabaho... Nawala kasi si Daddy sa trabaho niya..."
BINABASA MO ANG
Swan of Endless Feathers (Book 1 of Swan Trilogy)
Novela JuvenilEight gorgeous boys. One brave girl. Living in a house with a mystery kept secret from their lives. *** Napilitan lumipat ni Charlotte Svana Howell sa tahanan ng mga sikat at gwapong schoolmates niya para makapagpatuloy sa pag-aaral niya. She always...