Chapter 54
Prinsesa
Charlotte
Napaisip naman ako sa naging childhood ko.
Napatakip ako sa mukha ko nang maalala ko ang halik ng mga Hansen boys sa akin. Argh!
Nagpasya akong tawagan ang magulang ko para itanong sa kanila tungkol 'don. Baka naaalala pa nila ang mga Hansens kung totoo nga na naging parte sila ng childhood ko.
"Anak! Ngayon ka lang ulit napatawag!"
"Sorry, naging busy kami sa school." I pouted. "Namiss ko na kayo."
"Miss ka na rin namin ng ama mo. Kamusta ka na?"
Kinausap ko ang parents ko sa video call sa laptop. Pinipigilan ko lang ang luha ko na tumulo dahil sobrang namiss ko sila. Gusto ko na sila makayakap ulit!
Kinwento ko sa kanila ang school, ice skating, at ang mga napuntahan kong lugar sa Aestheria. Tumatango-tango lang sila habang nakangiti. Ilan oras din kaming inabutan sa pagkekwentuhan.
Napalunok ako nang inisip kong isingit ito. "May kilala po ba kayo na Hansen?"
Bigla siyang natahimik at napawi ang ngiti nilang dalawa. I suddenly felt uncomfortable and nervous with how the topic led to this.
"Saan mo 'yan narinig? May kumausap ba sa'yo na Hansen?" Sunud-sunod na tanong ni Papa.
"Ma, Pa, what's wrong?"
"Lumayo ka sa kanila, Charlotte!" Sumerioso at pagalit ang tono niya. "Sila ang dahilan kung bakit nawala ang binti mo sa aksidente!"
"Nagtanong lang ako pero sa ibang school naman sila nag-aaral." Pagsinungaling ko.
"Mabuti naman. Mag-ingat ka diyan sa Aestheria."
"B-Babalik na ko!" I was about to close the video call hanggang sa nagsalita ulit si Ma.
"Paano nalaman ang tungkol sa kanila?" Madiin niyang tanong.
"Ahh. W-Wala naman..." I can't lie. It's hard! Wala akong palusot na maisip dahil nakatira ako sa kanilang bahay kaya ko sila nakilala!
"Charlotte, don't lie to me!"
"I love you, Ma and Pa! May pasok pa ko!"
"Charlotte—"
Binabaan ko na sila sa video call. Napabuntong-hininga na lang ako sa sarili ko. Nakakapanghinayang na ganito pa ang naging tawag namin.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Mama na kasalanan ng mga Hansen kung bakit prosthetic na lang ang ginagamit ko.
Yumuko ako para ipagmasdan ito, my prosthetic white mannequin leg with beautiful engravings. Sumulpot sa isipan ko ang kanilang ngiti at kabutihan na ginawa nila para sa akin.
It's not their fault. It's not true.
---
Ice skating had been more intense and exciting. It helps to put my mind away from what my parents told me about the Hansen boys.
I still don't believe them!
We're leaning new tricks, spins, and crossover drills. The more we got closer to the competition, the more our regimen, practice, and drills had been frantic.
Kailangan pa namin ipahabol ang araw na hindi nakapasok si Mrs. Sarah kaya nadagdagan ito sa oras ng practice namin.
Inulit din namin ang Waltz dahil parte rin ito sa magiging sayaw namin bilang grupo. It's a basic type of ice skating move where I jump from half of the rotation and land backwards.
BINABASA MO ANG
Swan of Endless Feathers (Book 1 of Swan Trilogy)
Teen FictionEight gorgeous boys. One brave girl. Living in a house with a mystery kept secret from their lives. *** Napilitan lumipat ni Charlotte Svana Howell sa tahanan ng mga sikat at gwapong schoolmates niya para makapagpatuloy sa pag-aaral niya. She always...