Chapter 39
Investigation
Charlotte
Pinapakinggan ko ang Heart Out by The 1975 habang sumasayaw sa gitna ng pink na kwarto. Suot ko ang orange shirt na nakatuck-in sa high-waisted jeans ko.
I closed my eyes while smiling stupidly, waving my arms around the air and dancing like there's no one there to see me.
It felt like I was ice skating without the ice beneath my feet. The thought of it made me smile. It's been a while since I soared through cloud nine.
"If you badly want to ice skate, we could go to the Frozen River."
Nagulantang ako nang may nagsalita mula sa pinto. Nilingon ko siya. Nakasandal si Tyler sa gilid ng pintuan habang nakahalukipkip ito.
Ngumisi siya.
"Sus. Pagtatawanan niyo lang ako."
He shook his head, disagreeing with me.
"We don't laugh at something beautful. We admire it instead."
Ngumuso lang ako sa sinabi niya, nag-init ang pisngi ko kaya humarap na lang ako sa salamin para itago ito.
Nakita ko pang nakangisi siya sa repleksyon. Inirapan ko lang siya.
Sinuot ko muna 'yong winter jacket ko bago lumabas ng kanilang bahay. Lahat sila'y naka-trench coat habang naglalakad kami patungo sa Frozen River.
Umupo ako sa gilid ng Frozen River, ang ilog na ngayon ay naging yelo na dala ng malamig na panahon sa Winter District.
Sinuot ko ang ice-skating shoes ko at pinatong ito sa ibabaw ng yelong sahig. Dahan-dahan akong naglakad at dumausdos hanggang sa tuluyan na akong nadala ng sarili kong binti.
"I believe I can fly!"
We skated through the Frozen River in slow and paced movements, enjoying the little moments under the sunkiss glow and cold morning of winter.
Ilan oras din kaming nag-ice skate na may ngiti sa amin labi. Mariin kong pinikit ang akin mata habang dinadama ang ihip ng hangin habang dumadausdos sa ice floor.
Until I tripped and fell face first on the snow.
Tumiklop ako para kaharap ko na ngayon ang asul na kalangitan na may mga ulap sa paligid. Sumulpot ang ulo ng mga Hansen boys, may mga suot na bonnet at trench coat.
"Papikit-pikit ka pa. Ayan tuloy nangyari sa'yo."
Inangat ko ang magkabilang kamay ko sa kanila. Kumapit sila sa kamay ko para iangat akong patayo. Pinagpag ko ang snow sa sleeves at pants ko.
"Isa pa!" Sigaw ko at dumausdos muli sa ice floor. Narinig ko lang silang tumawa.
I could tell they're smiling right now without looking back.
---
Bumaba ako ng hagdan matapos kong magbihis. Kakauwi lang namin galing school. Umupo ako sa sofa katabi ni Riley para makapagpahinga.
Napalingon ako sa direksyon ni Riley. Nakayuko lang siya at napansin kong umangat ang Adam's apple niya na tila lumunok ito.
"D-Do you want me to sit somewhere else?" Mahinahon niyang bulong sa akin.
"No. It's fine."
"Are you sure?"
"Yeah."
We haven't talked about what happened after that day. He still feels awkward and distant around me. I felt my chest becoming heavier because of this aching feeling between us.
BINABASA MO ANG
Swan of Endless Feathers (Book 1 of Swan Trilogy)
Ficção AdolescenteEight gorgeous boys. One brave girl. Living in a house with a mystery kept secret from their lives. *** Napilitan lumipat ni Charlotte Svana Howell sa tahanan ng mga sikat at gwapong schoolmates niya para makapagpatuloy sa pag-aaral niya. She always...