Chapter 32

516 24 0
                                    

Chapter 32

His Girl of Rainbows


Charlotte

The next day, ang sobrang sakit ng ulo ko. Hindi ko maimulat ang mata ko nang maayos. Ang mas nakakapagtaka kung bakit wala akong maalala na nangyari pagkatapos ng party.

Paano ako nakauwi sa bahay nila? How did I ended up sleeping in the pink bedroom?

Pinipilit kong maalala pero ang sobrang labo na nito. Pakiramdam ko panaginip lang ang lahat na nangyari kagabi. I heavily sighed while trying to gather my senses back.

I swayed my feet on the side of the bed, still feeling dizzy. As soon as I walked towards the door and opened it, a wave of missing memory passed in my mind that made me stop on my tracks.

Why is there something important that I should've remembered?

Nagpasya na lang akong maligo muna at nagpalit ng damit. Sinuot ko ang usual style ko; high-waisted jeans, blue socks, and converse. Nagdadalawang isip pa ako sa susuotin ko na pang taas.

Kadalasan dito ako natatagalan dahil nagiging choosy ako sa pananamit ko.

May narinig akong kumatok sa pinto. Lumapit ako 'ron at pinagbuksan ito ng pinto. Nanlaki ang mata ni Tyler nang makita niya ako. I tilted my head to the side with an unsure look.

Tyler has a flushed face. His eyes fell on my chest. Mariin siyang napalunok at umiwas ng tingin sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay at tiningnan ang sarili ko. May suot naman akong spaghetti strap na itim. Lumalamig na kasi ang panahon kaya dinodoble ko na ang suot ko.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko.

"M-May pupuntahan tayo." Napalunok siya muli. Umangat ang Adam's apple niya.

"Hinihintay ba nila tayo?"

"Tayong dalawa lang."

Ang mata niya'y lumingon ulit sa dibdib ko. Naninibago ba siya sa suot ko? Anong makikita niya 'ron? Halos flat lang naman ito.

"Kung gusto mo maghintay, upo ka muna."

Nagalinlangan pa si Tyler na pumasok sa kwarto pero humakbang na rin siya at umupo sa dulo ng higaan. Bumalik ako sa paghalungkat ng mga damit ko mula sa luggage.

I would never dare put my clothes in someone else's drawer. Parang nakakabastos kasi sa may-ari ng kwarto.

"Alin ang mas maganda? Itong rainbow shirt o ang pink pastel shirt?" Tanong ko habang inaangat ko 'yong dalawa para makita niya.

Umawang ang labi niya. Tiningnan niya ang dalawa sabay lumingon sa akin.

"Ikaw."

I felt my cheeks burning.

"Laki ng tulong."

I pretended to roll my eyes while ignoring him. Tinago ko na lang 'yong pink pastel shirt. I feel like it's the day to be colorful this time.

Sinuot ko na 'yong rainbow shirt while tucking in my high-waisted jeans. Tinupi ko pa 'yong laylayan ng t-shirt dahil maluwag ito sa akin.

Nilingon ko si Tyler, he's leaning against his thighs while staring at me intently.

"Bagay ba?" Tanong ko sabay sinenyasan ko ang t-shirt ko.

"Mas bagay tayo."

Humagikhik lang ako habang umiiling ako sa kanya.

Swan of Endless Feathers (Book 1 of Swan Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon