Chapter 78
Break The Chains
Austin
I could never forget her. I had known her my whole life.
Why should I forget? It was one of the best memories I ever had. I still remember her face as clear as daylight.
Her bright eyes, her rosy lips, her innocence. She was the purest form of grace.
We went to Pristine's ballet recital. Charlotte was there too watching with her parents besides us.
May suot na ballet tutu dress si Pristine sa gitna ng stage, tumataginting ang sequence at glitters nito. Taas noo siyang tumingin sa manunuod, her hands set into position and feet pointing gracefully in tippy toes.
Bata pa lang din gusto niya na maging ballerina at si Charlotte naman ay ice skating. Nakakaproud lang isipin na kahit bata pa sila ay nagpupursigido na sila sa pinapangarap nilang gawin. Kahit hindi pa sila ganon kagaling o husay sa umpisa, nagawa naman nilang simulan ang pangarap nila.
Childhood is an important part of our lives. We may forget what we had in our childhood once we grow up, but it stays with us forever.
On Charlotte's first attempt at ice skating, I encouraged her throughout the way. Kung ngayon ay mahusay na siya sa ice skating, pero noong nagsisimula pa lang siya, palagi siya natutumba at nadudulas.
Ako pa ang nag-aalala sa takot na baka maaksidente siya pero ayoko rin pigilan siya na gawin ang gusto niya kaya iniingatan at binabantayan ko si Charlotte tuwing sinasamahan ko siyang magpractice.
I'm the eldest in the family. I prioritize my brothers and parents more than I ever think about myself.
Noong bata pa lang kami ng mga kapatid ko, nahihirapan akong iaruga ang ibang makukulit sa kanila katulad ni Daniel, Zach, at Malcolm dahil hindi sila sumusunod sa payo ng magulang ko pati na rin sa akin.
Kapag panganay talaga, ikaw lagi ang unang mapapagalitan kahit wala kang ginawang kasalanan.
Responsibilidad ko ang mga bunso kong kapatid. Kapag may nangyari sa kanilang masama, sisisihin ko ang sarili ko habang buhay. Poprotektahan ko sila hanggang sa dulo na walang hanggan.
Habang naglalakad ako, narinig ko ang sigaw ni Malcolm. Halos malapit lang ito, sa likod ng hedge na pader. Kailangan ko lang hanapin ang daan patungo sa boses niya.
Tumakbo ako habang pinapakinggan ang boses niya, sinisigurado na lumalakas ito imbes na humihina para makasigurado na tama ang dinadaanan ko hanggang sa makita ko ang fountain mula sa dulo ng daan.
By the time I arrived in front of the fountain, most of my brothers are already there except for one.
"Where's Tyler?" Tanong ko nang mapansin ko na siya lang ang kulang.
"Hindi niya pa rin nahahanap ang fountain. Nawawala pa rin siya sa hedge maze."
"Kayo? Paano niyo nahanap ito?"
"Sinundan lang namin 'yung napakapanget na boses ni Malcolm. Kanina pa kasi sigaw nang sigaw."
"Kung kanina pa sumisigaw si Malcolm, dapat narinig na siya ni Tyler."
Natahimik sila nang ilan segundo. Nanlamig ang pakiramdam ko bigla, kinakabahan sa posibleng nangyari kay Tyler.
"There's something wrong. We need to find him. He might've been caught by one of the hunters." Tumango sila sa akin.
BINABASA MO ANG
Swan of Endless Feathers (Book 1 of Swan Trilogy)
Teen FictionEight gorgeous boys. One brave girl. Living in a house with a mystery kept secret from their lives. *** Napilitan lumipat ni Charlotte Svana Howell sa tahanan ng mga sikat at gwapong schoolmates niya para makapagpatuloy sa pag-aaral niya. She always...