Chapter 41
The Parade
Charlotte
Nakarating kami sa Lionheart City. Maraming tao ang nagtitipon ngayon para sa inaabangan nilang parade ng Aestheria.
Nagtipon ang buong sambayan para abangan ang parade ng mga Royalty. Lahat sila ay may dala ng kani-kanilang mga banners at bandila ng bansa.
"Bakit pa kasi tayo nandito?" Daing ni Tyler.
"We should pay our respect to the Royalty." Tugon ni Mrs. Sarah habang may inaangat siyang maliit na bandila.
Dumating ang parade ng mga Royalty. Lahat sila'y nakasakay sa magarang kotse sa ibabaw nito habang kinakawayan ang mga tao na may ngiti sa kanilang labi.
Namangha ako sa kanilang kaayusan at histura. Ngayon ko lang nakita ang mga Royalty ng Aestheria.
I'm at awe while watching them wave with respect, their smiles born in luxury, their dresses and suits made of sophistication and grandeur. And the crowd cheered for them with admiration.
Nalaglag ang akin panga nang hinagisan ng Hansen boys ng mga itlog ang mga Royalty. Nagulat ang mga ito nang matamaan sila ng itlog.
Everyone gasped from what they did. Naramdaman ko na lang ang pagkakapit sa akin ni Tyler at hinigit na ako palayo sa crowd. Nagsitakbuhan kami palayo sa parade.
May narinig pa kaming mga pulis ng parade na humahabol sa amin. Tumatawa pa 'yong mga Hansen boys, walang halong takot sa kanilang mata at ngiti. Tuluyan na rin akong napangiti sa halip ng amin sitwasyon na hinahanap kami ng pulis.
We run through Pebble Lane, where the floor is made of pebbles and smooth rocks. I turn back and saw the guards are still following. They're freaking persistent in chasing us down!
Pumasok kami sa Grand Museum. Nakisama kami sa mga turistang lumilibot sa pasilyo. Nakitabi sa kanila habang patagong tumatawa.
Nasilayan ko ang mga pulis na kinakausap 'yong security guards ng museum. May inangat siyang siyam na daliri, tinutukoy kung ilan kami.
"Sa Grand Museum pa talaga tayo nagtago?"
"It's the best place for hide and seek."
"Huwag niyong sabihin na naglaro kayo ng tagu-taguan dito?"
Humagikhik ang walo na tila nakuha ko ang kanilang sagot.
Nang makita kami ng pulis, agad kaming tumakbo palayo sa kanila. Our shoes made a squeaking sound from running through these marbled floors.
The boys would jump and pass through obstacles they see like trash cans, benches, and people. I managed to catch up with them, thankful for the endurance I built up from ice skating.
Pumasok kami sa isang abandonang building. Umakyat kami sa hagdan hanggang sa makarating kami sa rooftop.
Napakapit ako sa ibabaw ng hita ko habang hinahabol ang akin paghinga at ganon din sila. Mukhang hindi rin kami nahanap ng pulis dahil nakita namin silang nilagpasan ang building.
"Paano kayo natutong gawin 'yan?" Tanong ko.
"Parkour? It's just the basics. Tinuruan kami ni Mom noong bata pa lang kami."
"She calls it the Escape Game. Nilalaro namin iyon tuwing bata pa kami habang tinatakbuhan namin siya. Kung sino ang hindi mahuli, bibilhan niya ng ice cream."
BINABASA MO ANG
Swan of Endless Feathers (Book 1 of Swan Trilogy)
Teen FictionEight gorgeous boys. One brave girl. Living in a house with a mystery kept secret from their lives. *** Napilitan lumipat ni Charlotte Svana Howell sa tahanan ng mga sikat at gwapong schoolmates niya para makapagpatuloy sa pag-aaral niya. She always...