Chapter 76
Mag-isa
Riley
This is making me nauseous.
Nilingon ko ang nasa likod namin. May mga gunmen na bumabantay sa paglalakad namin. Kapag tumakbo kami o nilabag ang utos nila na pumasok sa hedge maze, babarilin nila kami.
So, this is how they're going to play the game. Ihihiwalay nila kami ng mga kapatid ko para lahat kami ay mawawala sa hedge maze tapos iisa-isahin nila kaming patayin.
Nanlumo akong isipin kung hindi lang isang beses ito nangyari, kung may grupo rin ba silang pinapatay o nag-iisang biktima. Just imagining you're alone in the hedge maze with dozens of killers finding you...
Still, in any case, something like this should end so not any victims will fall into their sick games.
But how can this one end?
"Paano tayo makakatakas kung ihihiwalay nila tayo?"
"We always find each other." I reassured them with a smile.
Nagkahiwalay kaming mga kapatid ko sa hedge maze. Pinapasok kami sa iba't-ibang mga entrance nito pero isa lang ang exit. Nakasarado na ang daan namin pabalik.
Napaluhod na lang ako sa sahig at sumuka. Nahihilo ako, sumasakit ang akin sikmura. Matapos kong iluwa ang kinain ko, sumandal ako sa gate ng hedge maze.
Sarado na ang gate kung saan nila ako tinulak para mapilitan akong lumakbay sa hedge maze, to go even deeper into the wilderness of green.
May exit ba itong lugar?
I tried to regain my thoughts and composure, taking deep breaths and exhaling through my mouth.
I'm worried about my brothers more than anything in the world. I want them to survive and escape. My freedom is the assurance of their safety. It doesn't matter what else may happen to me as long as their safe.
I'll try to find them in the hedge maze, to give all of us a chance to escape.
Nahihilo ako habang naglalakad. Gumegewang ang mundo ko na tila bang umiikot ang langit at lupa.
Huminto ako sa paglalakad upang pakalmahin ang sarili ko. The more I get lost, the more my sanity is fading. I tried to think of something that could keep me calm, that would protect my mind from this place.
And a girl with icy blades came to mind.
Charlotte had always been my crush since the start. Isa rin sa dahilan kung bakit gusto ko maging doctor ay dahil para maalagaan ko si Charlotte kapag nagkasakit siya.
Isang araw nalaman ko na nagkasakit si Charlotte sa birthday ko. Excited pa naman ako na makita siya. She was the first one I invited to my birthday party.
Sadly, she couldn't come. Natuloy pa rin ang party, nagpakasaya kami ng mga kapatid ko, pero patago akong nalulungkot dahil wala siya.
Hinintay ko pang matapos ang birthday party ko bago ako nakabisita sa bahay ni Charlotte. Pinindot ko ang doorbell, may hawak na isang box ng donuts at cake galing sa party. Hiniwalay ko pa talaga ito para lang may mabigay ako sa pamilya ni Charlotte.
BINABASA MO ANG
Swan of Endless Feathers (Book 1 of Swan Trilogy)
Teen FictionEight gorgeous boys. One brave girl. Living in a house with a mystery kept secret from their lives. *** Napilitan lumipat ni Charlotte Svana Howell sa tahanan ng mga sikat at gwapong schoolmates niya para makapagpatuloy sa pag-aaral niya. She always...