Chapter 55
Flower Crowns
Charlotte
"Saan tayo pupunta?"
"Sa paraiso ng mundo."
Mukhang malayo ang pupuntahan namin kaya maaga pa lang ay naligo at nagbihis na kami. Tiningnan ko muna ang sariling repleksyon ko sa salamin.
I wore my pink and light blue stripe crop top, a gray high-waisted paper bag trousers with a knot on the side, rainbow socks, and sneakers.
Kinuha ko ang satchel bag atsaka tinago 'ron ang mint blue polaroid camera ko. Lumabas na ko ng kwarto at bumaba ng hagdan. Naghihintay sila sa sala at natanaw ko sila.
Napalunok ako sa obra maestra nilang mga porma.
The boys are wearing their signature style.
High-waisted khaki pants with thick leather belt. Button up shirts with the first few buttons unbuttoned, revealing a bit of their chest and collar bones.
Iba't-ibang disenyo ng pang taas ang suot nila. Kay Tyler naman ay slim turtleneck, kay Claude ay all black get-up, kay Nick ay raglan sleeves, checkered shirt kay Riley, and the rest are button up shirts.
Sunflowers kay Zach, minimalist game boy kay Daniel, pink stripes kay Malcolm, at white shirt kay Austin na nakaroll pa ang sleeves kahit short sleeves lang ito.
They look so fucking aesthetic.
"Bye, Mom! Babalik din kami!"
Isa-isa nilang hinalikan ang pisngi ni Mrs. Sarah bago sila lumabas ng bahay. Napangiti na lang ako, ang sobra nilang magmahal sa kanilang ina.
"Mag-ingat kayo." Sabi ni Mrs. Sarah.
"Iingatan ko po sila." I reassured her with a smile.
Lumabas na rin ako ng bahay at naglakad papalapit sa kanilang puting van. Nilabas ko ang wallet ko para bilangin ang budget ko kaso nabitawan ko ito.
Nahulog ko ang wallet ko sa sahig, napayukod ako para pulutin ito at tinago sa bulsa. Sa ilalim ng puting van, may napansin akong blinking light, mahirap ito mapansin kapag nakatayo.
Kumunot ang noo ko. Ano kaya 'yon at may ilaw sa ilalim ng van?
"Charlotte! Tabi ka na sa amin!"
"Wait lang!"
Tumayo na ko at naglakad papalapit sa kanilang puting van. Sumakay na ko sa loob kung saan nakaupo na sila sa loob, si Austin ang nagmaneho sa harapan. Nakapwesto ako sa bandang gitna katabi ng car window.
"Saan tayo luluwas?" Tanong ko nang sinarado ni Claude ang pinto sa gilid.
"Kahit saan."
The engine of the van hummed to life and Austin drove away from the garage.
We went on a road trip to nowhere. There's no destination on the map, they just let the roads take us to where it would lead us.
Pinuntahan namin ang Sweet Rush Diner para mag-order ng take-out milkshakes, isang buong multicolored macaroon box, at mochi.
Bumalik kami sa puting van kung saan kami kumain ng inorder namin sa parking lot. Puno ng kwentuhan at biruan na hindi lumilipas sa panahon, ang memorya na hindi ko malilimutan.
We got back to the road, slowly parting ways with the colorful buildings, retro cars, and magnolia trees, and we enter to a new world of trees, plains, and the sky.
BINABASA MO ANG
Swan of Endless Feathers (Book 1 of Swan Trilogy)
Teen FictionEight gorgeous boys. One brave girl. Living in a house with a mystery kept secret from their lives. *** Napilitan lumipat ni Charlotte Svana Howell sa tahanan ng mga sikat at gwapong schoolmates niya para makapagpatuloy sa pag-aaral niya. She always...