Chapter 15

650 31 4
                                    

Chapter 15

I'm Not Worried


Charlotte

Pumasok ako sa ice rink stadium at nadatnan ko ang mga kateammates ko sa ibaba ng bleachers na napalingon sa direksyon ko. Napansin kong nagsusuot sila ng mga stockings nila at ice skating shoes.

"Wala kang stocking dala?" Tanong ni Kiera nang nakarating ako sa tabi niya.

Umiling-iling ako. "Wala. Kailangan ba 'yon?"

Tumango siya. "Don't worry. I still have a pair with me."

Hinalungkat niya ang kanyang backpack at inabot sa akin ang spare stockings niya. Suot ko ang black jumper overalls at white knitted longsleeves. Tinanggal ko ang suot kong medyas.

Pinatong ko sa ibabaw ng bleachers ang binti ko na prosthetic. Nilusot ko ang itim na stockings hanggang sa dulo ng binti ko. Sinunod ko naman ang kabilang binti ko at ginawa ulit 'yon.

Napalingon ako sa direksyon ng Hansen boys at nahuli ko silang nakatingin lahat sa akin. Specifically, sa binti ko. Ano naman interesting 'don para titigan nila ito?

Ngayon, ako naman ang pinapanuod ng mga Hansen boys na magpapractice. Kinakabahan ako dahil hindi ako sanay na may nanunuod sa akin mag-ice skate. Madalas na mag-isa lang ako tuwing ginagawa ko ito noon pero ngayon, umeepal na sila sa buhay ko.

We glided through the ice rink. Pinalibutan namin si Mrs. Sarah na nasa gitna, siya ang instructor namin sa Ice Skating Club.

"Let's welcome our new member, Charlotte Svana Howell!" Anunsyo niya.

Binati ako ng mga kateammates ko. Nginitian ko sila at kinawayan ko sila.

"Nice to meet you!"

Nagsimula kami sa first routine namin. Walo kami sa ice skating club at kasama na 'ron si Kiera. Synchronized skating ang tawag kapag grupo ang sayaw namin.

We had to stretch our legs first while raising it on the air. Sinasabayan namin si Mrs. Sarah sa tinuturo niya sa amin. Medyo nangawit ako sa una dahil hindi naman ako nagsestretch noon.

I heard whistles from the Hansen boys direction. Hindi ko alam kung sinisipol nila ang mga kasama ko dahil nakaangat lang ang binti namin.

Nakita ko si Mrs. Sarah na nilapitan sila sa gilid ng ice rink. Napatikom ang kanilang bibig.

"Kung manunuod kayo, 'wag kayong sumipol." Banta ni Mrs. Sarah.

"Ang sexy ng mga alaga mo, Mom." Zach chuckled. "Lalo na 'yung nakaitim na stocking."

Napalingon ako sa mga kasama ko. Ako lang naman 'yung may suot na itim na stocking.

"It's disrespectful, Zach. Kung gusto mo magpapansin kay Charlotte, gawin mo sa ibang paraan." Mrs. Sarah tossed her hair before she turned back to her previous place.

Natawa kami sa narinig namin. Pulang-pula na si Zach dahil napahiya tuloy siya!

Matapos ng amin stretching, nagsimula na kami sa practice ng amin sayaw. We followed Mrs. Sarah's instruction thoroughly while gliding across the ice floor. Umuulit din kami dahil hindi maiiwasan na may magkakamali sa amin.

Bumibilis ang pintig ng puso ko. Sumusulyap ako sa direksyon ng Hansen boys na nakangisi lang sa akin habang nagbubulungan sila.

Hindi ba sila nabobored na panuorin ang practice ko?

Swan of Endless Feathers (Book 1 of Swan Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon