Chapter 67
Confession
Charlotte
Kailangan ko na aminin ang nararamdaman ko para sa kanya.
Desidido ako sa sagot ko, na siya ang mamahalin ko, na siya ang magiging habang-buhay ko, siya lang at wala nang iba.
Bumibilis ang pintig ng puso ko, kinapa ko ito gamit ng akin palad at dinama ang pagkalabog nito sa akin dibdib. Nagwawala na naman tuwing iniisip ko siya.
Masyadong naguluhan ang puso ko, masyadong nalito sa mga Hansen boys na nakapalibot sa akin, masyado akong nadala sa takot na harapin ang katotohanan.
Ito na talaga. Aamin na ko sa kanya. Sasabihin ko na sa kanya ang totoo kong nararamdaman, na mahal ko siya.
Kumatok ako sa kwarto ni Nick at pumasok sa loob.
Nilapitan ko si Nick na nagbabasa ng libro niya, he turned the page with his long fingers, his eyes scanning the words from left to right.
"Nick."
"Hmm?" Hindi siya lumingon sa akin.
I leaned forward to his face and kissed his cheek.
"Thank you." I whispered.
Namula ang pisngi ni Nick atsaka ko siya nginitian at umalis na ng kwarto niya.
Pinuntahan ko naman si Daniel na naglalaro ng video games niya habang nakaupo sa bean bag. Sinisigawan niya pa ang screen at gumegewang habang sinasabayan ang karakter niya na nagmamaneho ng kotse.
"Daniel!"
"Laro ulit tayo, crush ko? Tara!"
I kissed his cheek and thanked him before leaving him in a daze on his bedroom.
Nasilayan ko si Claude na puro itim ang suot at nakaupo sa window pane, nakapatong ang siko niya sa ibabaw ng tuhod niya na nakaangat, nakatanaw 'yung mata niya sa tanawin sa labas.
"Claude!"
"Charlotte?" Tinanggal niya ang suot niyang earphones.
Hinalikan ko ang pisngi niya at nginitian ko siya pagkaharap ko. "Salamat."
Sumunod naman ako sa kwarto ni Zach at nadatnan ko siyang nakaupo sa upuan niya, nanunuod siya ng cheesy romance film sa laptop bago niya ito binaba.
Sa isang higit niya lang ay napaupo na ko sa ibabaw ng hita niya. Ngumisi pa siya habang nakapulupot ang braso niya sa beywang ko at 'yung isa nasa hita ko.
"Miss mo na ko, baby?"
"Zach!" Suway ko.
"Is there something you want to confess to me, baby?"
"I just wanted to say thank you."
"For what?"
"Everything." Then I kissed his cheek before standing up and running to the other room. I never got to see his reaction after that.
Wala si Riley sa kwarto niya kaya naisipan kong bumaba at puntahan ang kusina nila. Naghuhugas ng pinggan si Riley sa lababo nang dumating ako sa tabi niya. Nagulantang siya nang makita niya ako.
"C-Charlotte! Anong ginagawa mo rito?"
Sinabayan ko siya sa paghuhugas.
"Tutulungan kita!"
BINABASA MO ANG
Swan of Endless Feathers (Book 1 of Swan Trilogy)
Teen FictionEight gorgeous boys. One brave girl. Living in a house with a mystery kept secret from their lives. *** Napilitan lumipat ni Charlotte Svana Howell sa tahanan ng mga sikat at gwapong schoolmates niya para makapagpatuloy sa pag-aaral niya. She always...