Chapter 38
Tower of Demeza
Charlotte
Nagising ako nang marinig ko ang beeping sound mula sa ilalim ng unan ko. Hinugot ko ito sa punda at inilabas ito. Pinagmasdan ko nang maigi ang nag-iingay na card.
It's just blinking and beeping for a minute until it stopped. Nagkibit-balikat na lang ako at tinago ito sa ilalim ng unan.
I still haven't figured out why it does that.
Napatitig na lang ako sa kisame habang iniisip ang sinabi sa akin ng Hansen boys. Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi nila. It still feels like it's just a prank.
They've fooled me before, they can't fool me twice.
Huminto ako sa paglalakad nang may napansin akong liwanag mula sa siwang ng kwarto ni Mrs. Sarah.
I took a quick peak on the slightly ajar door just to see what it was. But then I froze when I saw that one thing I least expected to see inside of her bedroom.
Pinagmasdan ko siya mula sa siwang ng pinto. May suot si Mrs. Sarah na itim na leather pants, suit, at aviator glasses.
Pinindot niya 'yong switch na nakita ko noon. Nanlaki ang mata ko nang nasaksihan ko ang pagbabago ng buong kwarto niya.
Her entire room had flipped around and instantly turned into an armory. Walls displayed guns and disguises, the bed had turned into a table with a hologram of the deck cards.
May kinuha siyang pistol sa pader at tinago ito sa bulsa ng kanyang vest. Sinuot niya pa ang kanyang boots mula sa shoe rack.
Humarap siya sa pinto at naglakad patungo 'ron. Agad akong sumandal sa gilid ng pintuan. Tumingkayad ako sa koridor para hindi ako mahuli na nasa labas ng kwarto niya.
Nagtago ako sa katabing kwarto, marahan kong sinarado ang pinto, pinapakinggan ko ang yapak niya na lumayo hanggang sa tuluyan naglaho ito.
Sumandal ako sa pintuan. Nakahinga rin ako ng maluwag. Pakiramdam ko nabunutan ako ng tinik.
"Uhm. Do you mind?"
Napalingon ako sa direksyon ng nagsalita
Bumungad ang makisig na katawan ni Malcolm habang nakaawang ang bibig ko na pinagmamasdan ito.
Suot niya lang ang kanyang boxer shorts. Tinutuyuan ang namamasa niyang auburn hair gamit ng hawak niyang tuwalya.
"S-Sorry!"
Pinihit ko na ang doorknob para lumabas. Nang binuksan ko na ang pinto, hinampas niya ito pasarado. Nanatili ang kamay niya sa pinto habang nakatitig ito sa akin.
"Anong ginagawa mo sa kwarto ko?"
Napalunok ako nang bahagya.
"Nagtago lang ako..."
"Kanino ka nagtatago?" Tinaasan niya ako ng kilay.
"W-Wala..."
"Don't lie to me."
Droplets are still dripping down from his bare torso and neck. Kumikislap pa 'yong pilik-mata niya at buhok niya na napapalibutan ng tuwalya niya.
"Nagtatago ako sa Mom mo."
"Bakit?"
"Dahil iniisip ko na isa siyang spy."
Kumunot ang noo niya sa sinabi ko, ang mata niya'y nanlaki na tila bang nagulat siya sa sinabi ko. Lumipas ang isang segundo at umalingawngaw ang halakhak niya sa buong kwarto niya.
BINABASA MO ANG
Swan of Endless Feathers (Book 1 of Swan Trilogy)
Teen FictionEight gorgeous boys. One brave girl. Living in a house with a mystery kept secret from their lives. *** Napilitan lumipat ni Charlotte Svana Howell sa tahanan ng mga sikat at gwapong schoolmates niya para makapagpatuloy sa pag-aaral niya. She always...