Chapter 22

549 29 3
                                    

Chapter 22

Reto


Charlotte

Nasa practice pa ako ng ice skating kasabay ng teammates ko.

Hindi mapagkakaila ang ehersisyo at pagod na kailangan mong tiisin. You have to be flexible, swift on your feet, and have a high endurance when it comes to gliding across the ice floor.

Most of all, you need to trust yourself.

Kapag nagdalawang isip ka na tumalon sa kalagitnaan ng iyong pagdausdos, may tsansa na matapilok ka o maaksidente. It's not as easy as anyone thought it was. Some ice skaters had broken their limbs and neck. Or worse.

Isa rin ito sa dahilan kung bakit strict si Mrs. Sarah pagdating sa pagtuturo sa amin. Kailangan tama ang precision, tama ang footing at gliding, bawal magkamali sa sayaw namin.

Kumikirot na ang buong katawan ko. Gusto ko nang magpahinga pero kailangan ko rin magpursigido sa akin pangarap. I have to get better at what I do.

Lumipas ang natitirang oras ng practice namin, pinaupo kami ni Mrs. Sarah sa bleachers para makapagpahinga. Nakatayo siya sa harapan namin para ibahagi ang kanyang announcement.

"Isa sa inyo ang magrerepresent sa Individual Competition." Anunsyo ni Mrs. Sarah. "Ang pinili ko si Charlotte Svana Howell."

Pinalakpakan ako ng mga teammates ko. Umawang na lang ang bibig ko dala ng akin pagkagulat. Hindi ko naman inaasahan na ako ang pipiliin niya lalo na't baguhan lang ako sa kanilang club.

"Is that a big deal?" Bulong ko kay Kiera.

"Yes, dude! You will represent the name of Aestheria with your awesome talent!" Inakbayan niya ako habang humahagikhik siya.

Binalutan ako ng nerbyos at excitement. It's a great opportunity but I'm also afraid I might screw it up. I just need to keep practicing until I get better.

Matapos kong magpalit ng sapatos, tinago ko na ang ice skating shoes sa backpack ko. Nagulat ako nang madatnan ko si Nick na nakaupo sa gilid ng bleachers.

Tumayo siya at nilapitan ako. Nakaigting ang panga niya nang hinila niyang kamay ko palabas ng ice rink stadium. Hindi na ako makaimik pa dahil sinusundan ko na lang siya kung saan man kami makakarating hanggang sa huminto kami sa gitna ng pasilyo.

"Bakit mo ako dinala rito?" Tanong ko.

"Ipikit mo ang iyong mata, Charlotte." Iniharap niya ako sa kanya.

Dahil magkasing-tangkad lang kami, nakakapantay ko lang ang mata niya. I could almost see my own reflectiong from his lucid eyes.

"Para saan?" Napalunok ako. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng kaunting kaba.

"Para sa eksperimento ko."

I sighed and then I closed my eyes. What could go wrong anyway? It's not like he's going to—

Naputol na lang ang iniisip ko sa susunod na nangyari.

Naramdaman kong dumampi ang labi niya sa akin. My eyes open wide in shock. This is unexpected from him!

Kumalas siya sa halik at humarap sa akin na may blankong ekspresyon.

"So that's how a kiss feels like." He mumbled while touching his parted lips.

"What the hell, Nick?! Ginawa mo lang 'yon para sa experiment mo?!" Nanlilisik ang mata ko sa kanya. But damn! I wouldn't dare punch the bunso!

"Nope. Naririnig ko kasi ang mga kapatid ko masarap daw humalik pero wala naman lasa." Nagkibit-balikat lang siya.

Swan of Endless Feathers (Book 1 of Swan Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon