Chapter 16

661 26 8
                                    

Chapter 16

Respect


Charlotte

Kasalukuyan nagbabasa ako ng Soldier of Love. Kakatapos ko lang basahin ito at nakatulala na lang ako sa kawalan, binabalik-balikan muli ng utak ko ang nabasa ko.

Now, I'm completely lost. I don't know my purpose anymore. What is life? Am I even alive? Is this real?

Sinarado ko na ang libro at tinabi ito. Sa dami ng libro na nakatambak sa buhay ko, ito lang ang nagawa kong tapusin.

To all the books I bought before but never bothered to read, I am so sorry.

May kumatok sa pinto na nagpagising sa akin mula sa tuliro. Geez. How long have I been staring into a wall?

"Charlotte, hindi ka pa ba lalabas ng kwarto?" Rinig kong tanong ni Riley na may bahid ng pag-alala.

"Lalabas na ako!"

Niligpit ko na ang gamit ko sa ibabaw ng pink desk at lumabas na ng kwarto. Muntik ko nang makasalubong si Riley nang lumabas ako ng pinto. Naghihintay lang pala siya sa koridor.

"May pinagdadaanan ka ba? Ang tagal mo kasi nasa kwarto... nag-aalala na kami sa'yo." Napakamot siya sa batok niya. Nagpink ang pisngi niya.

 "Okay lang ako. Kakatapos ko lang basahin 'yung libro na binabasa ko."

Lumingon siya sa akin at ngumiti. Nagbakat na naman ang dimples niya. Sobrang cute!

"Hindi ka pa kumakain ng dinner."

"Ay. Nakalimutan ko."

"Hinihintay ka namin. Hindi kami kakain hangga't kasama ka namin."

Hinawakan niya ang kamay ko na nagpabilis ng pintig ng puso ko. Hinayaan ko na lang siya ihigit ako papasok ng kusina. Napalingon sa direksyon namin ang Hansen boys at napatitig sa magkahawak namin kamay.

Nagulat ako nang pumagitna sa amin si Malcolm, biglang sumulpot mula sa likod namin, na naging dahilan kung bakit nabitawan ni Riley ang kamay ko.

Nanlilisik pa ang mata ni Malcolm sa akin bago siya umupo sa kanyang upuan.

I sighed before I sat on the vacant chair. Tumabi si Riley sa akin at marahan niya akong nginitian.

"Bakit ang tagal mo?" Malamig na tugon ni Tyler. "Sumabay ka sa amin kumain sa tamang oras. Hindi ka pwedeng gutumin."

Wala sa sarili akong tumango-tango. Napalunok ako sa titig niya sa akin. Kahit sumusubo siya ng pagkain, hindi nawawala ang tingin niya.

"S-Sorry. Nawala sa isip ko." I stammered.

"Kumain ka ng marami, Charlotte." Untag ni Austin sabay nilagyan niya pa ng ulam at kanin ang platito ko.

"Ito pa, Charlotte. Baka mauhaw ka." Sambit ni Daniel sabay nilagyan ng juice ang baso ko.

"Charlotte, matagal na namin itong gusto itanong sa'yo." Panimula ni Malcolm.

I arched my eyebrow. "Go on."

Malcolm leaned his elbow against the table while staring at me intently.

"Miyembro ka ba ng Fangirl Club?"

"Hindi. Bakit niyo naman 'yan natanong?"

"Basta."

"Prove to us you're not from the FGC." Udyok pa ni Austin.

Swan of Endless Feathers (Book 1 of Swan Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon