Chapter 59
Dance with a Hansen
Charlotte
"Thank you for letting me borrow your dress."
Nilagay ni Mrs. Sarah ang kwintas sa leeg ko mula sa likod. Pinagmasdan ko ito habang nakaharap sa repelksyon namin sa salamin.
Inangat ko ang heart shape sa dibdib ko, kuminang ito mula sa sinag ng liwanag.
"You look like a swan in that gown. You're so beautiful."
Suot ko ang feathery white gown na pinahiram sa akin ni Mrs. Sarah. Nakakapagtaka lang na amoy bago ito at mukhang bagong bili lang din.
I tied my hair into a bun but left a curly strand hanging at the side of my face. The feathery white gown is an off-shoulder gown with a white corset top and puffy skirt of feathers.
Hindi ako sumabay sa Hansen boys dahil matagal pa silang mag-ayos. Lalo na't isa lang ang banyo kaya pinauna na nila akong maligo.
Nasa kani-kanilang mga kwarto pa sila, nang nilagpasan ko ito ang mga pintuan nila, naririnig ko pa ang mga ingay ng hair dryer, pagmumura dahil sa frustrations ng pagpili ng porma, at ang ingay ng belt.
Lumabas na ko ng bahay at nadatnan ang pick-up truck na nakaparada sa gilid ng lansangan. Kumaway ako kina Kiera at Jiro.
---
I could hear the music and see the lights from the outside.
Nandito na kami ngayon sa loob ng auditorium. I could see blue, silver, and white everywhere.
Nagawa ko nga takasan ang Hansen boys para hindi nila ako maaya na maging partner. I felt a bit guilty avoiding them. I just want to attend the party to eat and then leave eventually.
Isla and her club members are glaring at me with daggers. I did the best I can to just ignore them. What I did was right.
Pinanindigan ko ang ginawa ko na baklasin ang pundasyon ng Fangirl Club. Proud ako sa nagawa ko because now the Hansens will finally get their peace they deserve.
"Ang tema pala ngayon ay winter." Sambit ni Jiro.
"Aaminin ko na ang ganda ng pagkakagawa nila. Feel ko tuloy nasa YA movie ako." Dugtong pa ni Kiera.
Namangha naman ako sa ambience ng paligid namin.
There are glittering snowflake decorations hanging from the ceiling with falling white dots like it's snowing, the floor is in carpet white, balloons of blue and silver scattered on the floor, and white roses with blue leaves at the center of each table.
Nakaupo kami nina Kiera at Jiro sa bakanteng lamesa. Mukhang walang nagbabalak umupo sa table namin dahil nilalagpasan lang nila ito.
There are eight empty seats waiting in our table.
Suot ni Kiera ang red and black gown, kay Jiro naman ay tuxedo. Kahit beginner ang makeup namin ni Kiera nagmukha pa rin kaming aesthetic kahit papaano.
"Kuha tayo ng inumin. Nauuhaw na ko."
"Tara."
Pumunta muna kami sa mahabang lamesa na may mga pagkain. May mga finger foods, punch bowl, at desserts na nakalatag sa lamesa.
Nahagilap ng mata ko ang pictorial stand sa gilid ng gymnasium, may fairy lights, heart shaped seats, at iba pang props para sa picture taking nila.
BINABASA MO ANG
Swan of Endless Feathers (Book 1 of Swan Trilogy)
Teen FictionEight gorgeous boys. One brave girl. Living in a house with a mystery kept secret from their lives. *** Napilitan lumipat ni Charlotte Svana Howell sa tahanan ng mga sikat at gwapong schoolmates niya para makapagpatuloy sa pag-aaral niya. She always...