Chapter 51
Stray Cat and Stuff Toy
Charlotte
Gumagaling na si Mrs. Sarah at nakakapaglakad na siya sa bahay. Baka sa Monday pwede na siyang pumasok at bumalik ulit sa practice namin.
Weekend ngayon kaya karamihan sa mga Hansen boys ay gumagala pa sa labas. Hindi naman kami lagi nagsasama araw-araw, ang iba sa kanila ay may hobby o career sa labas ng bahay.
Lumabas na din ako at naglakad papunta sa kanilang garahe. Hiniram ko ang kanilang bicycle na may basket, napagpaalam ko na ito kay Mrs. Sarah.
Balak ko rin maglibot sa kanilang lugar para makahanap ng vintage record shop para bumili ng cassette tape at indie album.
Habang nagbibisikleta ako, napahinto na lamang ako nang madatnan ko si Riley sa gilid ng lansangan. May suot siyang checkered long-sleeves, gray shirt, ripped jeans, at converse.
Nang nakalapit ako sa kanya, may nakita akong may nilalagay siyang pusa sa karton box at binibigyan ito ng gatas sa maliit na bowl.
"Riley?"
"Ah!" Nabigla siya atsaka lumingon sa akin.
Nakahinga naman siya nang maluwag dahil ako ang nakita niya.
"May pusa ka?"
Napakamot siya sa likod ng ulo niya.
"May nakita kasi akong mga kuting na naglalakad sa gitna ng kalsada kaya nilagay ko rito para hindi sila masagasaan."
"Tara. Dalhin natin sa veterinarian." Aya ko.
"S-Sigurado ka? Baka busy ka at may gusto kang puntahan..."
"I don't mind." I reassured him with a smile.
Lumawak naman ang ngiti niya atsaka binitbit ang karton na may laman ng mga kuting.
Umupo siya sa likod ng bicycle na may kandungan, nakapatong ang karton na may kuting sa ibabaw ng kanyang hita. Narinig ko pang nag-meow ang mga ito.
"Ready?"
"Wait."
Yumugyog ang bisikleta nang inadjust niya ang sarili niya. Kasunod nito'y naramdaman ko ang braso niya na pumulupot sa beywang ko para may makakapitan siya.
Namula ang pisngi ko sa ginawa niya. Tama lang na kumapit siya sa akin para hindi siya mahulog at ang mga kuting.
"I'm ready."
Hindi ko na lang pinansin ang pag-init ng pisngi ko atsaka pinadyakan na ang bisikleta. Tinuro niya naman sa akin kung saan ang veterinarian clinic, kailangan pang tumawid sa kabilang kalsada at puntahan ang bayan ng kanilang distrito.
Nasa gilid lang kami ng lansangan para makalayo rin sa mga kotse na nagmamaneho sa gitna ng kalsada.
Puno ng mga magnolia tree ang paligid, kahit ang sahig ay may mga pink and white petals, ang iba naman ay nasasama sa daloy ng hangin.
Minsan napapaisip ako kung nasa Britain ba ako o Amsterdam. May mga lot o bahay na dikit-dikit na may mga balcony at makukulay ang mga pader na nagmistulang rainbow na ito. Ang rooftop ng mga ito ay tipong concrete na wavy.
Iba naman ang bahay sa Hansens. Hindi magkadikit sa kapit-bahay nila.
Once we got to town with the Clock Tower on the center, I glanced around the shops with brick walls, striped roof canopy on the doorway and above the glass display windows, and umbrella patios around table stands.
BINABASA MO ANG
Swan of Endless Feathers (Book 1 of Swan Trilogy)
Teen FictionEight gorgeous boys. One brave girl. Living in a house with a mystery kept secret from their lives. *** Napilitan lumipat ni Charlotte Svana Howell sa tahanan ng mga sikat at gwapong schoolmates niya para makapagpatuloy sa pag-aaral niya. She always...