Chapter 43

435 17 0
                                    

Chapter 43

Isang Sagot


Charlotte

We scattered around the rooms and hid inside it.

Ngayon ko lang napagtanto na ang venue ng kanyang party ay nasa likod lang ng kanilang mansyon.

Kasama ko si Tyler nang nahiwalay kami sa mga kapatid niya.

"Hold my hand so you wouldn't get lost." Sabay inalok niya ang kanyang palad.

Napalunok ako ng bahagya bago ako kumapit sa kamay niya para hindi ako mawala.

Sinundan ko lang siya sa likod, nakatitig ako sa kanya habang nakakapit ang kamay niya sa akin. Naramdaman ko na lamang nag-init ang pisngi ko.

Nagtago kami sa kwarto. Nilibot ko ang akin paningin at nakita ko ang mga litrato ni Isla sa vanity desk niya na puno ng make-up kits.

We're inside her bedroom.

Pumasok kami sa walk-in closet na puno ng mga mamahalin damit, name all the famous fashion brands, kompleto ang koleksyon niya.

Naghintay lang kami habang nakaupo sa sahig. Medyo nainggit ako sa walk-in closet ni Isla pero hindi ko naman tipo ang pananamit niya. Gusto ko aesthetic at simple lang.

Lumipas ang ilan minuto na puno ng katahimikan.

"Boring ba ako kasama? Kanina ka pa nakatulala." Nanlaki ang mata ko. Tyler let out his smirk like he's amused.

"H-Hindi naman..."

"Gusto mo ba magseven-minutes-in-heaven para pampalipas oras lang?"

"Siraulo." Mas lalo akong namula sa sinabi niya. Natawa siya sa naging reaksyon ko.

"Okay lang sa akin kung may gusto ka kay Riley. I'm not forcing you to like me."

Nilingon ko siya pagkasabi niya nito. His jaw is clenched while he's leaning against his thighs. Hindi ko magawang ipaliwanag kung ano iyong pinapakita ng mata niya.

"But that doesn't mean I'm giving up on you." 

"Tyler..." I was speechless. All I could feel is my heart pounding through my chest.

He lifted his grey eyes towards me. I stiffened from the way he is staring at me.

"I won't force you to be with me if you want to be happy with someone else." Napalunok siya, making his Adam's apple bobbing.

Hinawakan niya ang palad ko at inilapit ito sa kanya. Nag-init lalo ang pisngi ko habang hinahaplos niya ito, ang kanyang mata'y nakatingin ng diretso sa akin habang ginagawa niya ito.

"And I won't be bitter about it too. Karapatan mo magmahal ng kung sino ang gusto mo."

Minasahe niya ang palad ko, kaharap ko siyang nakaupo sa carpet. Napalunok ako ng bahagya habang pinagmamasdan siya.

Mahaba ang daliri niya, may mga veins na nakaumbok sa braso niya. His sleeves are folded up to his biceps.

"Karapatan mo rin maging masaya." Untag ko.

Swan of Endless Feathers (Book 1 of Swan Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon