Chapter 1

1.8K 57 2
                                    

Chapter 1

First Encounter


Charlotte

Ang mga Hansen boys daw ay mukhang prinsipe.

Iyan ang naging bukambibig ng mga babae sa paligid ko. Gwapo. Makisig. Nakakaakit sa paningin. Hindi ko sila kilala pero alam ko na sikat sila sa buong Aestheria. Lalo na sa mga kababaihan.

They are known for their winter features: coldest eyes, heart made of ice, and a smile that could melt you. I call them Snowflakes because of that.

I changed the playlist song to Pleaser by Wallows in my cassette player with a pink mixtape while bobbing my head to the music in my earbuds. I like to hide from the world with music.

"Announcement! The Hansen Brothers are here! I repeat! The Hansen Brothers are in the school ground!" Anunsyo ng isang freshman girl scout na may hawak pang speaker habang naglalakad sa hallway.

Despite the earbuds blocking the world, I still heard the noises.

Agad na kumaripas ng takbo ang mga fans nila papunta sa entrance ng school, sasalubungin yata ang mga Hansen boys. They are the biggest campus wet dreams of these girls.

Napakunot-noo lang ako sa kanilang reaksyon. Hindi ko lang ito pinansin habang kinukuha ko ang librong Solider of Love at ang ice-skating shoes ko mula sa locker ko. Hindi ko sila maintindihan. Anong bang espesyal sa kanila kaya nagkakagulo na ang mga babae?

"Please maintain your fangirling to a minimum level and—ahh!" Naputol ang anunsyo ng dalagita nang nabundol siya ng mga rumaragasang giggling girls sa paligid.

Gumilid lang ako sa tabi ng locker habang pinapanuod na maubos ang mga babae sa pasilyo. Ang nanatili na lang ay mga lalake na walang pakialam sa nangyayari.

Lumapit ako sa freshman na nakahandusay sa sahig. Mukhang nabunggo siya ng mga babae pagkalagpas sa kanya. Inalalayan ko siyang tumayo habang napapangiwi ito sa sakit.

"Nasaktan ka ba?" Tanong ko habang bumabaling sa kanyang binti at braso kung may sugat ba siya. Umiling-iling lang ito.

"Thank you, ate. Okay lang naman ako." Sabi niya habang nakatingala sa akin. Ang liit niya lang pala, sa malayo nagmukhang kasing tangkad ko lang siya.

"Bakit mo ito ginagawa?" Tanong ko. Tiningnan ko ang badge name niya mula sa kanyang pink, pastel vest. "Key?"

Her eyes twinkled in excitement.

"Jacqueline Carreón Marsielle! Key for short! Ready to become a Girl Scout recruit of the Fangirl Club! Yes, ma'am, yes!" Key said, with her chin up and she raised her hand as a salute. "Gusto ko po makasama sa mga Girl Scouts ng Fangirl Club—or FGC in short. Idol na idol ko po si Isla Santana! Baka sakaling ma-recruit ako sa team niya bilang Scouter nila!"

I became curious of her fan club. Pinipigilan kong magtanong tungkol sa kanilang club dahil baka mapahaba ang kanyang eksplanasyon at usapan. I don't have time for this. The ice floor is waiting for me.

"Hindi ka po ba fan ng mga Hansen boys?" Nakangiting tanong ni Key.

Umiling-iling lang ako. "No, but I'm a fan of snow."

Napabaling ako sa maaliwalas na bintana sa pasilyo. I caught a glimpse of the light blue sky. Mahina lang ang pag-ulan ng snow sa paligid at mabilis na naglalaho sa sahig. Natutunaw. Nababasa.

Whenever I see snow falling, I couldn't help but smile and let the irony of the beauty of snowflakes warm my heart.

"Sayang naman, ate. You should really get to know them." Dismayadong sagot ni Key.

Swan of Endless Feathers (Book 1 of Swan Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon