Chapter 34

497 16 6
                                    

Chapter 34

King of Kings


Charlotte

"Ayusin mo number zero!"

Hiyang-hiya na ako sa sarili ko. Sinabihan naman ako ni Malcolm na hindi ako mapapahiya, pero naririnig ko silang nagbubulungan kung bakit nagmumukha raw akong siraulo.

Our cheerleader outfit is a fitted long-sleeves of light blue and white, a dark blue mini-skirt with shorts, and high socks.

Iwinagayway ko ang hawak kong pom-poms sa ere. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko sa sobrang hiya.

Hindi talaga ako marunong sumayaw! Sisihin niyo si Malcolm kung bakit ganito ang nangyayari sa akin!

"Woohoo! Kilala ko 'yan! Go Charlotte!" Rinig kong sigaw ni Daniel mula sa bleachers. 

Napatingin ako sa direksyon ng boses niya at nakita ko ang buong Hansen brothers at si Mrs. Sarah na nakatitig sa akin at may halong pagtataka kung bakit ako narito.

Biglang nagbulungan ang magkakapatid at pagkatapos ng ilang segundo ay kumaway sila sa akin at sinisigaw ang pangalan ko.

"Ang galing mo sumayaw!"

"Ang cute ng number zero!"

"Turuan mo rin ako sumayaw!"

"Mahal namin 'yan number zero!"

Hindi ko alam kung iniinsulto ba nila ako o ineencourage pero nakita ko na lamang ang sarili ko na tumatawa at sumasayaw na parang walang nakatingin sa akin.

Ang naririnig ko lamang ay ang boses nila at wala nang iba. Kahit hindi pa katulad ang sayaw ko sa matinding choreography ng cheerleaders, I'm still killing the moves with my ridiculous rambles.

Nakita ko si Jiro at Kiera na kumakaway sa akin habang ni-rerecord ako sa video recorder ni Jiro. I feel stupid and happy at the same time.

I don't know if it's the kiss, my own crowd and supporters, or anything else. All I know is—my dance made the people on the bleachers go wild.

"Wow! Look at that girl in number zero! Is she doing a freestyle?" Sabi ng commentator na may aliw sa boses niya.

"That's an eleven-ten, Johnny! I'd like to know her grooves too!"

Pagkatapos ng sayaw ng Ice Breakers, tumakbo ako pabalik sa arch. Tinakip ko pa 'yong mukha ko para hindi ako makilala ng mga tao.

I caught a glimpse from the bleachers, I could see all the Hansens are smiling and cheering for me. It made my heart warm and I couldn't help but smile.

Pagkarating ko sa tabi ni Malcolm, he was grinning at me. Sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap. Naramdaman ko siyang nakahinga ng maluwag nang ginawa niya ito.

Iniharap niya ako sa kanya habang nakahawak sa balikat ko. Tinitigan niya ako ng mapupungay niyang mata.

Malcolm leaned closer until I felt his lips collide on to mine. This time it was longer and much more intense than the first one. I couldn't move and my eyes were wide open in shock.

I felt his lips move around mine. He wrapped his arm around my waist to deepen the kiss. I can't seem to think straight.

Pumiglas si Malcolm sa akin na may ngisi sa kanyang labi.

"Cheer for me, baby."

Tumakbo siya kasabay ng kanyang teammates habang sinusuot ang kanyang helmet. Nakarating ang dalawang team sa gitna ng field at magsisimula na ang kanilang labanan.

Swan of Endless Feathers (Book 1 of Swan Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon