Chapter 9
Nerf Wars
Charlotte
Nagbabasa ako ng libro sa tabi ng window pane mula sa kanilang living room. They were having Nerf Wars na naman. Nagbabarilan sila sa kung saan-saan gamit ng kanilang mga nerf guns.
"Turuan na kita ng Eco." Nilapitan ako ni Malcolm, hawak pa niya ang nerf gun niya.
"Bakit mo ito ginagawa? Akala ko ba tatlo kayo magtuturo?"
He sighed while combing his auburn hair.
"Ganon ba? Mas gusto mo ba na sila ang magtuturo sa'yo?" Tinaasan niya ako ng kilay.
"H-Hindi pero—"
"Huwag mong sabihin kay Riley ka na naman magpapaturo?" Kumunot ang noo niya.
Napalunok ako dala ng kaba. "Wala akong sinasabi na magpapaturo ako."
Nagulantang ako nang umupo siya sa tapat ko. I had to hug my knees around my chest para mabigyan siya ng space.
"Nasaan si Mrs. Sarah?" Tanong ko nang napansin ko na wala siya sa bahay.
"Umalis. May pinuntahan."
Nagsimula na siyang magbasa sa isang economic book kahit wala talaga akong interes na makinig sa kanya. Ayoko talaga mabored ngayon.
"Malcolm, tinatamad talaga ako makinig sa mga ganitong bagay." Pag-amin ko.
"I guess. After all, you are top of the class in eco. Nag-alala lang sa'yo ang titser natin." Sarkastik niyang sabi sabay sinarado ang libro.
"Walang masama tumulala sa kawalan." I glared at him.
"What if I'm staring at you?" He said while gazing at me intently. Napalunok ako.
"Masusuka ka lang."
Ngumisi siya.
"You're not disgusting. Simplicity can be beautiful."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. It's unexpected to hear a less insulting statement from Malcolm. It made me blushed for crying out loud!
"Hoy, Malcolm." Pagtawag sa kanya ni Tyler. Napalingon siya sa akin at humarap ulit kay Malcolm. "Don't waste your time on her. Magsisimula na ang Nerf War."
Umalis na siya sa harapan namin. I kept stabbing my eyes on his back as he left the room. He's so freaking cold towards me. Kainis.
"Kaya lang naman ayaw mo magpaturo sa akin kasi gusto mo si Riley ang nagtuturo sa'yo." Malcolm coldly said, indignantly.
Umalis na rin siya sa harapan ko para pumwesto sa kanilang labanan. Napabuntong-hininga na lang ako. Ang hirap intindinhin ng kanilang ugali. Lalo na 'yung mga panganay sa Hansen.
Tumayo ako para kumuha ng pagkain sa kitchen table. A slice of pepperoni pizza. When I went back to the living room, nagulat na lang ako sa akin nadatnan.
Nagsimula na silang maglaban sa kanilang Nerf War. Kaliwa't-kanan ang mga lumilipad na mga bala ng nerf! Sina Austin, Nick, Malcolm, at Claude ay nasa likod ng kitchen counter habang nasa likod naman ng couch sina Tyler, Riley, Zach, at Daniel.
And I got caught in the middle of the freaking crossfire!
"Walanghiya kayo! Dinamay niyo ako sa laban!" Tinakpan ko ang hawak kong pizza.
"Nakaharang ka kasi!" Sambit ni Nick.
Kailangan ko pang lumuhod para lang maiwasan ang crossfire nila. Nakarating din ako sa may window pane at umupo para panuorin sila.
BINABASA MO ANG
Swan of Endless Feathers (Book 1 of Swan Trilogy)
Teen FictionEight gorgeous boys. One brave girl. Living in a house with a mystery kept secret from their lives. *** Napilitan lumipat ni Charlotte Svana Howell sa tahanan ng mga sikat at gwapong schoolmates niya para makapagpatuloy sa pag-aaral niya. She always...