Chapter 58
Strawberry
Charlotte
Everyone's waiting for promenade except for me.
Next week na kasi ito kaya ang usapan na lang nila ay puro mga gown, date, at abangan ng partner.
Ang iba pa sa kanila ay agawan ng partner.
Buti pa ko chill lang. Walang pinag-aabalahan na gown, date, at partner dahil wala naman akong pakielam sa promenade na 'yan. I just want to listen to my mixtape and read a book all night long.
Until a handsome nerdy boy showed up.
Nilapitan ako ni Nick, blank ang kanyang ekspresyon. He usually sits down when he's going to read, but this time he brought a warning instead.
"Maghanda ka, Charlotte.
"Bakit?" Kinakabahan kong tanong.
"Paparating na ang mga kapatid ko."
"Huh? Ano naman?"
Narinig ko ang pagkalabog ng pinto sa library. Lahat ng mga tao'y napalingon sa direksyon na pinanggalingan nito.
"Charlotte!"
Nagulantang ako nang makita ko ang mga Hansen boys may hawak na bouquet ng chrysanthemum flowers sa kanilang kamay atsaka nililibot ang kanilang paningin na tila bang may hinahanap sila.
Out of instincts, nagtago ako sa ilalim ng lamesa. Ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan kapag nakikita ko sila ngayon lalo na't papalapit na ang promenade.
"Bakit sila nandito sa library?"
Shit. Alam ko na kung bakit pero nagtanong pa rin ako. This is what Nick's warning is all about.
"Hinahanap ka nga nila."
"Ano naman kailangan nila sa akin para hanapin ako?" I tried to think of other reasons. It can't be that.
"Ikaw. Para gawin partner nila."
"Don't tell me..." My voice trailed off. Umiling-iling ako sa ideyang 'yon.
That can't be. They can't have the same promenade partner.
"Wala kang takas sa kanila, Charlotte. Ikaw lang naman ang gusto nilang sayawan."
I have to get away. Hindi ako malanding tao! I'm against polyamorous partners!
Iisipin na siguro ng ibang tao na malandi ako. Ilan beses na ko nahalikan ng mga Hansen boys at wala akong nagawa!
Hindi sila makapaghintay sa sagot ko habang ako naman ay naguguluhan sa nararamdaman ko!
Gosh. I'm the worse person they would ever like. I can't make a decision right away. I wish I knew what my heart chooses but even I'm stuck wondering where it belongs.
Argh! I just want to focus on ice skating, books, and indie music! They came into my life now I have to deal with this messed up love story!
Umakyat ako sa bintana ng library at tumakas. Hindi na ko pumasok ng klase. Tinext ko na lang sina Kiera at Jiro sa parking lot.
We skipped classes for today.
---
Inulanan ako ng mga texts mula sa Hansen boys. Ang reply ko sa kanila ay kailangan ko muna na masama ang pakiramdam ko at sinamahan muna ko ng mga kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
Swan of Endless Feathers (Book 1 of Swan Trilogy)
Teen FictionEight gorgeous boys. One brave girl. Living in a house with a mystery kept secret from their lives. *** Napilitan lumipat ni Charlotte Svana Howell sa tahanan ng mga sikat at gwapong schoolmates niya para makapagpatuloy sa pag-aaral niya. She always...