Chapter 37
A Dark Secret
Charlotte
Nakaupo kami sa tapat ng bonfire. Nakapagbihis na kami ng shorts at summer shirt habang nagluluto ng marshmallows sa bonfire. Nagkukwentuhan at nag-uusap ng mga bagay na hindi namin madalas nasasabi sa iba.
We only share our secrets to each other. We spill our words like there wasn't any boundaries between us.
"What are your deepest darkest secrets?" Tanong ko sa kanila. Alam ko naipakita na nila ang kanilang sikreto sa akin ngunit iba pa rin ang bagay na nakatago sa ilalim ng atin puso.
Natigilan sila sa tanong ko at napatitig sila sa akin. Naliliwanagan sila ng bonfire, iniisip kung paano nila isasagot ito.
"Mahaba-habang kwentuhan ito, Charlotte." Tugon ni Austin habang nakatitig sa akin.
"I don't mind."
Napansin kong naglakad ang Hansen boys papalapit sa isa't-isa na nakahilera hanggang sa humiga sila sa buhangin. Sumunod ako sa kanila at ginaya sila.
Nakahiga na kaming lahat sa buhangin habang nakatingala sa mga kumikinang na bituin mula sa madilim na kalangitan.
Napangiti na lamang ako at namangha sa kagandahan ng tanawin ngayon gabi. Hinding-hindi ako magsasawa sa mga obra maestra ng mundo, pati na rin ang mga Hansen boys na nasa tabi ko.
"Takot akong mamatay." Ang unang nagsalita sa kanila ay si Daniel.
"Lahat naman tayo." Pag-amin ni Tyler.
"Death is a natural way of parting from life." Bulong ni Nick habang nakaangat ang palad niya sa mga bituin.
"Ako? Gusto ko magkaroon ng asawa." Ngumisi si Zach sa kalawakan.
"Ulol. Kilala ka namin, Zach. Impossible mangyari 'yan." Natatawang sambit ni Malcolm.
"Gusto ko pumatay ng tao." Humagikhik si Claude.
"Sino?" Tanong ni Zach na nakangisi.
"Ikaw."
Nagtawanan naman sila mula sa sagot ni Claude. Sinimangutan siya ni Zach habang nakanguso ito.
"Why you so mean to me?"
"Pabebe ampota." Tumawa si Claude sabay pinisil ang pisngi ni Zach.
"I'm afraid I won't succeed in life." Napalingon kaming lahat kay Malcolm na nagsalita. "Pakiramdam ko na hindi pa rin sapat ang ginagawa ko, na baka hindi ako aasenso sa buhay."
"Darkest secret ba 'yan? Insecurities 'yan tinutukoy mo." Sabi ni Austin. Sinalubong siya ng nanlilisik na mata ni Malcolm.
"Edi ikaw na ang magshare! Hayop."
"Ano nga ba ang darkest secret ko?" Napaisip pa si Austin, ang isang braso niya nakapatong sa ibabaw ng noo niya. "A girl once deep throated my—"
"Ang deep nga pero medyo bastos." Tyler intervened before glancing at me like he's trying to make sure of something.
Manliligaw ko ba talaga ang mga ito? Bakit ganito na ang naging topic namin?
"Naihian ko 'yong kama ko isang beses pagkatapos ko manuod ng Conjuring." Daniel blurted out, his hands laying underneath his head.
"Bruh." His brothers muttered in unison before they bursted into laughing.
"Kaya pala isang gabi nakita ko na lang pwet mo pasikot-sikot sa koridor. Dinala mo pala 'yong bed sheet sa laundry. Akala ko naman nanunuod ka ng porn." Nagawa pang sabihin ito ni Zach kahit halos manakit na ang tiyan niya kakatawa.
BINABASA MO ANG
Swan of Endless Feathers (Book 1 of Swan Trilogy)
Novela JuvenilEight gorgeous boys. One brave girl. Living in a house with a mystery kept secret from their lives. *** Napilitan lumipat ni Charlotte Svana Howell sa tahanan ng mga sikat at gwapong schoolmates niya para makapagpatuloy sa pag-aaral niya. She always...