Chapter 27
Tide of Changes
Charlotte
At this point, hindi na ako naniniwala na liligawan ako ng Hansen boys.
Bakit? It would be unbelievable for them to fall in love with one girl para magawang ligawan nila ito tapos ako pa ang pinili nila. It's just impossible! It could be another trick!
Sinabihan ako ni Nick na hayaan ko lang sila na ligawan ako. Let them make an effort, he says. I sighed. It still feels wrong to just let them do this.
Kailangan ko pang mag-ingat kung sino sa kanila ang magagawang lokohin ako. It could be anyone hiding their true personality.
Nahumaling naman ako sa mga sikreto na pinakita sa akin ng mga naunang Hansen.
Si Nick ay may crush sa kaklase niya at kinaibigan niya na ito. May pangarap din siya na baguhin ang edukasyon para mabigyan ang lahat.
Si Daniel naman ay nagsisikap na maging sikat na gamer para makagawa ng mga sarili niyang charity at makasama ang mga idolo niya. At may crush siya sa akin.
Claude's secret is full of thrill. Guns. Racing. Bullets. Gangster siya pero mabuti siyang tao na tumutulong sa mahihirap na bayan sa mga liblib na lugar.
May lima pa sa mga Hansen boys ang hindi ko pa nakakaharap. I'm excited and terrified what secrets they will show me.
Tang ina. Kinakabahan ako sa mga panganay na Hansen boys. Hindi ko alam kung alin sa kanila ang gagamitin lang ako katulad ng pinayo sa akin Nick.
Alin sa kanila ang wala talagang may interes at gusto lang ipakita ang sikreto nila sa akin katulad ni Nick?
Alin sa mga panganay nila ang kailangan kong iwasan at alin naman ang dapat kong pagkatiwalaan?
Eight Trials... it's where they show their everything to me and who they truly are...
"Charlotte, ang ganda mo ngayon." Napalingon ako kay Riley na nagsalita.
"Bakit? Panget ba siya kahapon?" Sarkastik na sabi ni Tyler.
"Uhh... Hindi naman sa ganon. Araw-araw maganda si Charlotte."
"Sus. Palusot mo."
"Ikaw ba, Tyler? Liligawan mo ba si Charlotte?" Ngumisi sa kanya si Malcolm.
Namula ang buong pisngi ni Tyler. Hindi siya umimik.
"H-Hoy! Pwede ba 'wag natin 'yan pag-usapan dito?" Sabi ko
May pinapanuod kaming balita sa telebisyon. Nakaupo ako sa tabi ng window pane para hindi ko na kailangan makipagsiksikan sa sofa. Mas komportable pa ako dito kaysa malanghap ang halu-halo nilang mga pabango sa tabi ko.
"A girl was raped and murdered. Her body was found on the side of the river. Suspects are still on the loose and the authorities are looking for the culprit of the incident."
Binalutan kami ng katahimikan habang pinapanuod ang balita. Pinakita 'ron ang mukha ng biktima. Dalaga pa lang ito na nag-aaral sa high school.
Nawasak ang puso ko sa akin nasaksihan. Ang sobrang bata pa niya, nakakaawa ang kanyang napagdaanan. She doesn't deserve this.
Nagulantang ako nang may narinig akong kumalabog mula sa direksyon ni Zach.
"Tang ina! Dapat talaga mamatay na ang mga ganyan klaseng tao sa buong mundo!" Umigting ang panga niya.
BINABASA MO ANG
Swan of Endless Feathers (Book 1 of Swan Trilogy)
Teen FictionEight gorgeous boys. One brave girl. Living in a house with a mystery kept secret from their lives. *** Napilitan lumipat ni Charlotte Svana Howell sa tahanan ng mga sikat at gwapong schoolmates niya para makapagpatuloy sa pag-aaral niya. She always...