Chapter 45

335 12 0
                                    

Chapter 45

Crush


Charlotte

Butterflies fluttered in the garden, flowers of colors flourish from their pots, white aprons have smudges of dirt.

Dinala kami sa greenhouse ng campus para sa Ecology class namin. Tinuturuan kami ng titser namin kung paano magtanim ng halaman at alagaan ito.

Iba't-ibang mga bulaklak ang nasa pot namin. Lillies, orchids, carnations, peonies, daffodils, and many more. It is art. Flowers are a living masterpiece after all.

"Ipapangalan ninyo ang bawat pot."

"Ano po ipapangalan namin?"

"Ang pangalan ng crush niyo."

May ilan sa kanila ay naghiyawan at kinilig, ang iba naman ay napasimangot, kabilang na ako 'ron.

Bakit kailangan pang bigyan ng pangalan ito?

"Charlotte, wala pa rin nakalagay sa'yo." Sabi ng titser ko nang napansin niyang blanko pa rin ito.

"Pwede bang pangalan ko na lang po ang ilalagay ko?" Tanong ko.

"Bakit? Crush mo ba sarili mo? Matindi ka, ah."

Natawa ang mga kaklase ko sa sinabi niya. Nahiya naman ako sa sarili ko.

"H-Hindi po! Wala naman po kasi akong crush..."

"Wala nga ba talaga?" Pagpaparinig ni Malcolm habang nakangisi ito.

Nakatitig lang sa akin si Malcolm, Tyler, at Riley, inaabangan kung kaninong pangalan ang ilalagay ko.

Napalunok ako dala ng nerbyos.

"Oh, sige. Kahit celebrity crush o fictional character, papayag na ako." Nilagpasan niya na ako at nagpatuloy suriin ang halaman ng kaklase ko.

Isinulat ko ang pangalan ni Iris Euphony Peregrin, ang pinsan ko. Napansin kong si Jiro na sinilip iyong sinulat ko. Chismoso talaga.

"Tomboy ka?" Tanong ni Jiro.

"Pinsan ko 'yan." Nanliit ang mata kong tinitigan siya.

"Incest?!" Namilog ang mata nito.

Umiling-iling ako at umiwas na ng tingin. Minsan, napapaisip ako kung nag-iisip pa ba 'yan si Jiro. Kinurot naman siya sa tainga ni Kiera at sinuway siya.

Nahagilap ng mata ko ang tatlo na magkakatabing dinidiligan ang kanilang halaman. Kumabog ang puso ko nang magtama ang mata namin ni Tyler.

"Tyler, Malcolm, and Riley! Bakit pare-parehas ang pangalan ng palayok ninyo?"

Agad na lumingon kaming lahat sa titser namin. Nanlaki ang mata nito habang tinitingnan ang mga palayok ng tatlo.

"Lahat puro Charlotte!"

Lumakas ang ingay mula sa kaklase ko, lahat sila ay nilapitan ang tatlo para tingnan ito. Ako naman ay namumula at nakatitig lang sa kanila.

"Haba ng hair mo. Tatlong Hansen boys may crush sa'yo?" Sinikuan ako ni Jiro.

Actually... hindi lang tatlo.

"Hindi ko alam kung swerte ka o minamalas. Good luck na lang sa'yo." Sabi ni Kiera na nagpakaba pa sa akin lalo.

Hindi na ako umimik pa. Ayokong palalain pa ito.

Pinagtiningan ako ng mga kaklase ko. Ang mga babae kong kaklase na patay na patay sa kanila ay nanlilisik na ang mata nila sa akin ngayon.

Swan of Endless Feathers (Book 1 of Swan Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon