Chapter 28
What Is Love?
Charlotte
I heard gasp from everywhere who heard Zach.
Buong team members at ang ibang tao na nakatambay sa mga bleachers ay narinig ang mga sinabi ni Zach. It will become a hella gossip news.
Hinila ko siya palabas ng ice rink stadium para makausap ko siya na kami lang ang nag-iisa. Dinala ko pa siya sa likod ng school para makasigurado na wala talagang tao sa paligid.
"Are you being serious right now? This isn't just one of your way to put another girl in your flirt list?" I said, still in shock.
"I'm serious, Charlotte. I've never been serious before."
My cheeks burned from hearing those words. I stared at Zach for a whole minute. His tousled black hair, his black turtleneck long-sleeves and trenchcoat, his pale skin and neck.
Why does it feel like he just came out of a manhwa novel all of a sudden?
"Sigurado ka ba talaga sa akin?" Hindi makapaniwala kong tanong.
"I know it's hard to trust and believe me, but I will prove it to you. Tonight, I'll pick you up in your room. There's already a surprise there waiting for you."
Marahan siyang ngumiti na nagpabilis ng pintig ng puso ko.
Hinawi niya ang kanyang buhok gamit ng mahahaba niyang mga daliri. Tinitigan niya ako nang mariin na may ngiti sa kanyang labi.
"I'll take you somewhere nice after you get dressed."
"What do you mean by 'get dressed'?" Binalutan ako ng nerbyos sa sinabi niya.
"I want it to be a surprise." He grinned.
Mas lalo akong nabigla sa susunod niyang ginawa.
Zach took my hand and held it between his palms, then he softly kissed the back of my hand, his eyes still not looking away from me when he did.
Naramdaman kong uminit ang pisngi ko. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko dahil sa kanya.
Hindi pa rin ako makapaniwala na may interes sa akin si Zach lalo na't tirador siya ng kababaihan.
Ito na ba 'yong sinasabi ni Nick na mag-ingat ako sa kapatid niya? Should I be careful around him knowing that Zach is a fuckboy?
---
Pagkapasok ko sa loob ng kwarto, tumambad sa akin ang lumulutang na pink at red na mga lobo sa kisame. May mga rose petals na nakakalat sa sahig at kama. Sa gitna ng comforter ay may nakalatag na putting dress at pearl white necklace.
Ito pala ang surpresa na sinasabi ni Zach.
Kusang kumawala 'yong ngiti ko sa sobrang tuwa. Kinuha ko ang folded paper na nakapatong sa ibabaw ng dress at may sulat.
Wear this on our date.
Napahiga na lamang ako sa pink carpet, nakatitig sa mga pink at red na lobo sa ibabaw ng mundo ko, ang mga puting strings nito ay umaalon kasabay ng hangin.
I'm going on a date with Zach, the playboy of the Hansen.
I stared at my own reflection in the mirror. Wearing a white dress with short-sleeves. Nakalugay ang buhok ko. Pinagmasdan ko 'yong prosthetic leg sa repleksyon. I don't think he would mind if I have a robotic leg.
BINABASA MO ANG
Swan of Endless Feathers (Book 1 of Swan Trilogy)
Ficção AdolescenteEight gorgeous boys. One brave girl. Living in a house with a mystery kept secret from their lives. *** Napilitan lumipat ni Charlotte Svana Howell sa tahanan ng mga sikat at gwapong schoolmates niya para makapagpatuloy sa pag-aaral niya. She always...