Chapter 18

646 24 0
                                    

Chapter 18

Spoiled


Charlotte

Nagshopping kami sa mall ng bagong damit.

Dumaan kami sa Uniqlo, Bench, Levi's, at H&M dahil 'don sila madalas na pumipili ng kanilang damit pero sa huli napadpad kami sa Valentine Craft. Ito ang sikat na fashion industry at clothing brand sa Aestheria.

"I'd give you a scope what the Valentine Craft is all about." Sabi ni Nick habang inaadjust ang salamin niya. "Valentine Craft is famous for its artwork fetishes. There are memes, anime, unique artworks, and old renaissance painting art. It literally values the aesthetics and light colors."

"Wow."

"It's literally your style, Charlotte."

I'm starting to love the brand. Bihira lang ako makahanap ng mga damit na gusto ko at madalas na kailangan ko pang mag-order online. Sometimes, the things you buy online can disappoint you.

Valentine Craft would make it so much easier for me to find the aesthetics that I like.

Pumasok na kami sa loob ng Valentine Craft. Malawak ang silid at maliwanag ang paligid. May mga mannequins at hilerang mga clothing racks na puno ng iba't-ibang mga kulay.

"Charlotte, pwede kami ang pipili ng damit mo?" Suhestiyon ni Daniel habang nakanguso pa siya.

"Okay lang."

Napangiti silang walo at naglaho na sila sa harapan ko para kumuha ng damit na ipapares nila sa akin. Naghintay ako sa tapat ng dressing room bago sila nakabalik na may dalang mga damit.

I scrunched my eyebrows when I heard Prom Queen by Beach Bunny blasting through the Valentine Craft's music ambience. It's weird the songs I like is following me.

Ginawa nila akong manika pero hindi naman iyon problema sa akin dahil gusto ko rin subukan ang ibang istilo na tipo nila. I think it's fun to try new outfits for a change.

I stared at myself first, half-naked. Hindi naman ako mataba o payat, katamtaman lang. Pink ang bra at panty ko. Simple lang ang pangangatawan at may kaunting tigyawat sa likod ko at stretch marks sa gilid ng hita ko, in my panty marks.

I turned to my side and back to observe what I look like in different angles. Umiling-iling ako. Geez. If there's a modelling for an insecure girl, I would've won.

Isa-isa kong sinuot ang damit na binigay nila. Ang una kong sinubukan ay kay Nick. It's a vintage dress with stockings. Komportable ito at pwede kong suotin kapag nalabas ako.

Hindi ko sinuot ang binigay ni Daniel dahil bikini ito. Nakakahiya naman na maglalakad ako sa labas ng dressing room na nakabikini sabay ang Hansen boys pa ang haharapin ko. Huwag na lang.

I wore Zach's choices. Mahabang bistida at headband ito. I look so innocent in this clothes. I thought he was going to offer clothes that was provocative but it's actually the opposite.

"Mukha naman madre si Charlotte sa suot niya."

"I think it's cute." Zach grinned.

I felt my cheeks flushed. 

Sinunod ko ang bigay ni Claude. Itim na t-shirt at leather pants katulad ng style niya. Flower dress naman ang binigay ni Riley habang kay Malcolm ay off shoulder top at mini-skirt.

Nang pinakita ko ito, lahat sila biased sa binigay nila maliban lang sa pinili ng kanilang kapatid.

May sinuot akong black fitted lace dress with a spaghetti strap. It emphasizes the curve of my waist and hips. Nakikita ang collarbone ko at... well, pati na rin ang kaunting cleavage. Hindi naman malaki ang dibdib ko, kasing laki lang ito ng mansanas.

Swan of Endless Feathers (Book 1 of Swan Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon