Chapter 52
Sweet and Sour
Charlotte
Kasalukuyan akong nasa practice ng ice-skating.
Tinapos muna namin ang stretching at warm-up rotation bago sinunod ang lesson na inaabangan namin lahat.
"Pasensya na kayo at ngayon lang akong nakabalik. Medyo masakit pa ang katawan ko pero kailangan na natin tapusin ang practice ninyo para sa paparating na event."
"Naiintindihan namin po 'yon, ma'am."
Lumingon si Mrs. Sarah sa direksyon ko at ngumiti sa akin. I smiled back.
"Malapit na ang Ice-Skating Competition at dito gaganapin ang event sa eskwelahan natin. Ihanda ninyo ang sarili niyo. All eyes will be on us at the center of the ice!"
The competition is a few weeks from now by the first week of December. Pahirapan na ang practice at kailangan namin galingan at ayusin ang advanced spins ng ice-skating.
Attitude Spin ang inuna namin ipractice. Ang tawag din namin diyan minsan ay sassy spin, trip lang namin ng mga kasama ko.
"Ayan na guys! Attitude na tayo!"
Nagtawanan kami habang ginagawa ang pose nito.
I straightened my back while turning my head to the side with my right leg up and my arms raised like a ballerina spinning with one leg.
Halos magkaparehas lang ang Layback Spin sa Attitude Spin, ang pinagkaiba lang nito ay sa Layback Spin kailangan arko ang likod ko at nakatingala sa kisame habang naikot ako.
One of my favorite spins.
Biellmann Spin ay nauso dahil kay Denise Biellmann, ang Swiss ice skater na nanalo sa major international title at pinangalan sa kanya ang spin na ito.
I have to arch my back while raising one of my leg until it reaches my head, letting my hands on to the blades while spinning for a short time.
Nang matapos ang practice namin, lumabas na ako at hinanap si Zach. Nagtext kasi siya sa akin na may pupuntahan kami after ng practice ko.
Nakita ko si Zach na nakaupo sa driver's seat ng convertible. Nakapatong ang siko niya sa kanyang gilid habang may suot itong shades. Ang cool niyang tingnan!
May suot si Zach na black and red vertical striped shirt unbuttoned on the first two buttons kaya medyo kita ang dibdib niya, black skinny jeans na may makapal na belt, at sneakers.
"Hindi ka ba sasabay sa mga kapatid mo?"
"I'm taking you somewhere."
"Saan tayo pupunta?"
Lumawak ang ngisi niya.
"My kind of date."
Dumating kami sa sikat na retro dinner ng Aestheria. Ang Sweet Rush. Sa labas pa lang ng shop, matatakam ka na sa mga display at designs ng pink spiral lollipop at marshmallows na may striped canopy sa doorway.
Hinawakan niya ang kamay ko bago kami pumasok sa loob.
Sweet Rush has a retro ambience on the inside. Black and white checkered tiled floor, mint blue and white leather seats, neon signs on the walls, and a gumball machine on the side of the doorway.
It feels like I travelled back in the 1980's. Again.
Hindi yata nauubusan ang Aestheria ng mga nakakabighaning lugar na maganda dayuhan.
BINABASA MO ANG
Swan of Endless Feathers (Book 1 of Swan Trilogy)
Teen FictionEight gorgeous boys. One brave girl. Living in a house with a mystery kept secret from their lives. *** Napilitan lumipat ni Charlotte Svana Howell sa tahanan ng mga sikat at gwapong schoolmates niya para makapagpatuloy sa pag-aaral niya. She always...