Chapter 4

898 37 5
                                    

Chapter 4

Meeting The Hansen Boys


Charlotte

Binata. Mga binata.

Kanina pa 'yan nagrereplay sa isipan ko at hindi ko na namalayan na kinakausap pa pala ako ni Sarah. Hindi ko ito inaasahan. Hindi ko napaghandaan. Binalutan na ako ng nerbyos dahil hindi naman ako sanay makisalamuha sa mga lalake.

Nag-aral lang ako sa All-Girls school noong elementary. The Hansen boys are the first boys I ever talked to.

"Charlotte? Okay lang ba ito sa'yo?" Paninigurado niya. Napalunok ako at tumango-tango ako.

Iniisip ko na lang na mababait sila—they should be, it's in their genes! Kung si Sarah ay mabait, I really hope na ganon din sila.

"Are all of them boys? No girls?" I said, nervously. Tumango-tango siya sa akin with a smile and a worried look.

"All eight of them." Nanlaki ang mata ko sa naging sagot niya.

Eight?! Seriously, eight?! Ganon ba kasipag si Mrs. Sarah at ang asawa niya para magparami ng anak?

"Mabait naman po sila?" Nag-aalala kong tanong.

"Walo sila na may iba't-ibang mga personalities." Mrs. Sarah said, like she wasn't even sure if she was saying the right words to describe them. "Once you get to know them, malalaman mo rin."

Nginitian ko siya at tumango-tango ako. Napatitig na lang ako sa akin hita habang nagmamaneho siya patungo sa kanilang tahanan. Sa totoo lang, kinakabahan ako sa ideya na ito.

Hindi ko siya masisisi, malaking tulong din ito sa akin, subalit kung may walo na siyang anak parang dumagdag pa ako sa mga problema niya. Raising eight kids is tough, but raising eight teenage boys is a lot harder.

What if it's a house full of bullies? Or jerks? OR PERVERTS?!

Damn. What the hell am I thinking? I'm already judging her sons just because they're boys. Paano kung mali pala ang mga naiisip ko and they're exactly the opposite of what I thought? I need to be patient. I need to find out for myself.

---

Ang Snowville ay puno ng mga wisteria at cherry blossom trees sa paligid. Makintab ang mga kulay. Light pink, purple, and blue. It made the place around me feel magical. The sunlight peaks through branches of leaves and through the car window. Nakakahumaling ang ganda ng tanawin.

Nilagpasan namin ang isang bahay na napapaligiran ng matataas na damo. Mukhang matagal na walang nakatira roon. Nakarating kami sa tapat ng bahay niya. It's a three-story house with a cherry blossom tree at the front yard. Napapalibutan ng pink na petals ang paligid nito sa damuhan. Lumabas kami ng van mula sa garahe niya.

"Welcome to our home!" Ngumiti siya.

"Ang ganda po ng bahay niyo." Komento ko.

"Salamat, Charlotte." Her eyes twinkled with excitement. "Let's go. I'll introduce you to my sons." Hinigit niya na ako papunta sa front yard nila.

"P-Papakilala niyo po ako sa kanila?" Nautal kong tanong.

"Oo naman." Marahan siyang ngumiti.

"Pero—"

"Kami na bahala sa mga bagahe mo. Excited na rin sila na makilala ka." Sabi ni Mrs. Sarah at inakbayan ako sa balikat habang pinipisil ang shoulder blades ko.

Swan of Endless Feathers (Book 1 of Swan Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon