Chapter 24

545 28 7
                                    

Chapter 24

Daniel's Channel


Charlotte

Pinapasok ako ni Daniel sa loob ng kwarto niya. He's wearing a cap in backwards, letting his bangs out from the hole. He has the same cheeky grin that always made his aura seem energetic.

"Yo! What's up?"

"Nakuha ko text mo."

He paused the game and gently settles down the controller on his lap. Tinapik niya ang bean bag na nasa tabi niya. Umupo na rin ako at inabot niya ang isa pang controller sa akin.

Nagtaka ako nang hindi niya pa siya umaalis sa pause menu hanggang sa lumingon siya sa akin.

"Alam mo ba ang gumaganap na Team Trees sa Youtube noon?" Tanong niya.

"Hindi. Ngayon ko pa lang narinig 'yon."

"It's a fundraiser in helping to plant twenty million trees around the world to reduce climate change"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Wow! It's actually to hear there are people who are actually working on to plant more trees in order to save the environment.

"Dinonate ko ang buong savings ko. Idol ko talaga si MrBeast." Proud niyang sabi na may malawak na ngiti. He should be proud! He contributed a nice gesture to the world!

Kinuha niya ang kanyang laptop at pinakita sa akin ang website nito. Maraming nagdonate ng mga tao mula sa iba't-ibang panig ng mundo. Billionaires and common people joined for the trees.

It made my eyes well up in tears just seeing people united with a common goal, whether they donated one dollar or a millions dollars, it still made a difference in the world.

"Someday, I'll make a foundation solely for saving the earth." Rinig kong bulong ni Daniel na nagpangiti ng puso ko.

Inilipat niya ang tab sa Youtube profile niya. He gave a tour on his channel beaming with tons of views and subscribers.

"May ginawa rin akong Youtube account. Nagpopost lang ako ng video ng mga nilalaro ko. Nakilala pa nga ako nila Aeon at finafollow nila ako."

"Sino si Aeon?"

Humarap sa akin si Daniel na may nanlaki na mata na tila hindi siya makapaniwala sa narinig niya.

"Hindi mo kilala si Aeon? Ang sikat na gamer?"

Umiling-iling ako. Daniel let out a deep sigh.

"Basta! Magaling siya na gamer at sikat siya!" Ngumuso siya.

I nodded.

"Nangako ako sa sarili ko na balang araw kapag yumaman ako, gagamitin ko sa mabuti ang pera na nakukuha sa sarili kong channel. Malay mo sumikat din ako sa Youtube."

"Oo naman! Sisikat ka sa buong mundo! Huwag mo akong kakalimutan, ah?"

Inakbayan niya ako habang humahagikhik.

"Walang makakalimot sa'yo, Charlotte."

Napangiti ako sa sinabi niya. Nakakataba ng puso ang naririnig ko sa kanya.

"Maraming nagsasabi na walang magandang naidudulot ang paglalaro ng video games at walang mapapala sa buhay ang mga katulad ko."

He clapped his hands then starts to click on the channels he subscribed. Puro mga gamers ito na nakagawa ng impact sa buong mundo.

Swan of Endless Feathers (Book 1 of Swan Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon