Chapter 17

578 25 6
                                    

Chapter 17

Netflix and Chill


Charlotte

Weeks had passed by. The Hansen boys became nicer to me.

Iyan ang una kong napansin na nagbago sa kanila. Hindi na kami madalas na nag-aaway. Pabiro na lang nila akong kinukulit but I still get annoyed sometimes. Pinapansin na rin nila ako sa school. 

It was shocking how fast they had changed. Akala ko talaga araw-araw na lang kami mag-aaway. Nagagawa rin pala nilang magbago.

Nakaupo lang ako habang pinapanuod silang nag-iihaw sila ng barbecue, sausage, at burger patty. Sabado na kasi ngayon kaya naisipan nilang maglibang sa kanilang patio.

Nalanghap ko ang amoy ng kanilang niluluto. Napakabango at nakakatakam. Hindi ko alam kung alin ang mas masarap—ang niluluto ba o ang nagluluto.

"Charlotte, ano gusto mo?" Tanong ni Daniel na nag-iihaw sa barbeque grill. May suot siyang flowery apron.

"Kahit ano."

Inilatag na ni Riley at Nick ang mga plato at 'yung mga naihaw na pagkain sa ibabaw ng picnic table. May pitchel ng mga juice at ice tea na may mga ice cubes.

Kumuha na ako ng burger patty para ipalaman sa buns at kaunting barbeque. Iyon na lang ang kinain ko para hindi na kami maguluhan.

Kumain kami sa picnic table mula sa kanilang patio. We spent the entire afternoon talking about movies and shows that we like.

Natapos din kaming kumain. Nabusog na ako dahil marami akong nakain na burger at barbeque. Lumipas ang oras na puno ng kwentuhan, tumayo na rin kami para makapag-ayos.

"Gusto niyo na ba pumasok sa bahay?" Tanong ni Riley.

"Dito na muna tayo. Bihira lang natin gamitin ang patio." Tugon ni Austin.

"Linisin ko lang 'yung gamit dito! Ayusin niyo 'yung patio!" Utos ni Malcolm at sinundan nila ito.

I stared up and gaze upon the orange and pink sky with the sunset beyond the horizon. Our surrounding are illuminated by this orange glow.

May nilabas silang projector at tinapat ito sa pader ng patio. Binuksan ni Riley ang projector na konektado sa laptop niya.

"Netflix o Wattflix?"

"Netflix." Sabay-sabay namin sagot. Hindi kasi ako pamilyar sa Wattflix.

"Baka ang ibig mong sabihin 'Netflix and chill'?" Humagikhik si Zach, it made his Adam's apple bobbing.

"Dude, we already chilling." Nick pointed out.

"Sus, mga linyahan ni Zach 'yan sa babae niya. Imbes na nanuod ng palabas, umaalog-alog na 'yung sofa." Tumawa si Daniel.

Pumili pa sila ng mga movies o series sa listahan ng mga popular shows. Bumoto pa kami at sa huli, pinindot ni Riley ang series na pinili ng lahat. Bumungad ang intro ng Netflix, kasunod naman ang simula ng episode one.

Stranger Things.

The cloak of night has finally settled. Madilim na ang paligid ngunit napapalibutan naman kami ng mga fairy lights sa patio. I held the cup of hot chocolate milk while taking a sip.

Naging tahimik ang buong oras ng panunuod namin. Lahat kami'y nakapokus sa palabas. Every time there's an epic moment in a scene, we would share our laughter, shock, and thrill. Naririnig ko pa silang nagmumura kapag may nangyayaring masama sa mga bida.

Swan of Endless Feathers (Book 1 of Swan Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon