Chapter 75

231 12 2
                                    

Chapter 75

It Ends Here


Zach

Putang ina.

Mapapamura ka na lang talaga sa kagaguhan na ito. Hindi ko maintindihan kung bakit nila kailangan kaming patayin. Wala naman kaming ginawa sa buhay namin kundi kumain at maglaro!

I hated this feeling, when I couldn't do anything feels like it's suffocating me. I have no control over this situation. Kahit sino sa amin ay walang kontrol.

Kaharap na namin ngayon ang may pasimuno nito, ang lalaking nagsalita at tinawag kaming Hanselion.

Lahat sila ay may suot na maskara para matakpan ang kanilang mukha. Nakakainis. Kapag kaharap na nila ang mga biktima, nagiging duwag din sila sa huli!

"Sila na 'yan, 'di ba?" Tanong nito sa gunmen na nagdala sa amin.

"Yes, sir. Sila po ang hinahanap ninyo."

"Teka, baka nagkakamali lang kayo! Hindi kami Royalty!" Austin intervened.

Ihahampas sana siya ng bantay gamit ng hawak niyang baril pero pinigilan siya ng lalaking nakamaskara.

"Oo nga! Hansen kami! Iba ang Hanselion sa Hansen!" Dagdag pa ni Daniel.

Lumingon ang lalaki sa kasama niya. Napatayo ito nang tuwid na tila bang isang sundalo na iniinteroga ng commander niya.

"Sigurado ba kayo na nakuha niyo ang tamang Hanselion?"

Halos mangatal na ang guwardiya, kahit siya pa ang may hawak na baril, siya pa ang takot sa nakamaskara.

"M-Matagal na namin po sinusundan si Sasha at binabantayan ang kilos niya, wala man siya binanggit na sila ay Hanselion pero sigurado po akong—"

He raised his hand to shut him up.

"So, it's not an accurate answer? It was just an assumption that they might be the Hanselion?"

"Y-Yes, sir..."

"I see."

Nagulat na lang ako nang binaril niya ang ulo ng lalake na kanina pa sumasagot sa mga tanong niya sa harap namin. Umawang ang bibig ko dala ng takot at bigla. Hindi ako makahinga nang maayos.

Tang ina, ano itong nasaksihan ko? May pinatay siyang tao!

"Fuck. Fuck. Fuck." Usal ni Malcolm.

"Putang ina." Mura ko pa.

Namumutla na ang hitsura ngayon ng mga kapatid ko, kahit ako ay pakiramdam ko nahigupan na ng dugo at lakas. Pero si Claude... siya lang ang walang bakas ng takot sa ekspresyon niya.

Bakit? Bakit hindi ka natatakot sa kanila, Claude?

"Sa susunod, huwag kayong gagawa ng assumption. Siguraduhin niyo muna. Baka mamaya mga sibilyan lang pala ito at hindi sila ang Royalty na hinahanap natin." Sabi niya sa ibang gumen na nakasaksi sa kanya.

Blanko lang ang kanilang ekspresyon na kinuha ang katawan ng kasama nila, dragging his dead body from the ground while leaving a trail of blood.

"See? It was just a mistake! We're not a goddamn Royalty and we will never become one!" Singhal ni Tyler.

"Pakawalan niyo na kami! Wala kaming kinalaman sa kung ano man nagaganap dito!" Dugtong pa ni Nick.

"Huli na ang lahat. Nakita niyo itong lugar at narinig niyo na ang boses namin. Pwede niyo magamit itong dinadala niyong impormasyon laban sa akin operasyon."

Swan of Endless Feathers (Book 1 of Swan Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon